Sparkle artists, bibida sa GMA Radio 'Higanteng Pasasalamat' event
December 09 2025
Mas magiging masaya, magarbo at exciting ang pagsalubong natin sa Kapaskuhan dahil hatid ng GMA Radio ang dambuhalang Christmas concert event na ‘Higanteng Pasasalamat’ sa darating na December 13 sa Angono, Rizal.
Mas magniningning ang Christmas Salubong na ito dahil bibida ang ilan sa paborito ninyong Sparkle artists tulad nina Rita Daniela at Larkin Castor.
Maghahatid din ng kilig ang Campus Cuties sa pangunguna ni Mad Ramos.
Sasamahan pa tayo nina Jennifer Maravilla at Liana Castillo, pati na rin ng OPM bands tulad ng Moonstar88, Better Days, Nadj Zablan, at Banda ni Kleggy.
RELATED CONTENT: Meet Sparkle's Campus Cutie Top 20 finalists
Para sa ibang detalye ng GMA Radio ‘Higanteng Pasasalamat’ event, bisitahin lang ang official social media pages ng Barangay LS 97.1.
Scroll to top
Comments
comments powered by Disqus