GMA Network Radio Stations: Number One Muli sa Mega Manila Para sa Abril 2026!
May 22 2026
Patuloy pa ring nangunguna ang mga flagship radio station ng GMA Network sa Mega Manila.
Ayon sa April 2026 data ng Nielsen Radio Audience Measurement (RAM), nagtala ang flagship AM radio station ng GMA na Super Radyo DZBB 594 kHz ng 70.9 percent na audience share.
Malayo ito sa 15.4 percent ng DZMM Radyo Patrol 630 at 3.5 percent naman ng DZRH 666.
Hindi naman nagpahuli ang flagship FM radio station ng GMA, ang Barangay LS 97.1 Forever! Mula sa parehong datos ng Nielsen RAM, tuloy ang pagiging number one ng Barangay LS, na mayroong 53.8 percent audience share.
Sinundan ito ng DZMB 90.7 Love Radio na may 17.6 percent at ng Wish 107.5 na 7.1 percent.
Mapakikinggan ang mga programa ng Super Radyo DZBB 594 kHz at Barangay LS 97.1 mula Lunes hanggang Linggo. Maaari ring sundan ang kanilang official social media pages sa Facebook, YouTube, TikTok, at X.
Sa Spotify, mapakikinggan din ang mga kinagigiliwang podcast ng Super Radyo DZBB tulad ng DZBB SUMASAPUSO.
Samantala, mula naman sa Barangay LS 97.1 Forever ay ang mga sumusunod na podcast: mga kuwento ng pag-ibig sa “Barangay Love Stories” at mga kuwento ng misteryo at kababalaghan sa “Liham ng Gabi.” ?
Para sa iba pang mga balita, bisitahin lamang ang www.GMANetwork.com.
Scroll to top
Comments
comments powered by Disqus