Arnold Clavio, nagluluksa sa pagpanaw ni seasoned radio anchor Jimmy Gil | GMANetwork.com - Radio - Articles

Nagdadalamhati si Arnold Clavio sa pagpanaw ni Ka Igme.

Arnold Clavio, nagluluksa sa pagpanaw ni seasoned radio anchor Jimmy Gil

By AEDRIANNE ACAR

Nagdadalamhati ang buong team ng Super Radyo DZBB sa pagpanaw ng seasoned radio anchor at veteran news reporter na si Jimmy Gil ngayong araw, June 11 sa edad na 79.

RELATED CONTENT: What you need to know about Arnold Clavio's survival story after a hemorrhagic stroke

Isa sa nagbigay pugay sa alaala na iniwan ni Jimmy o Ka Igme ay ang GMA News pillar at award-winning radio anchor na si Arnold Clavio.

Sa Instagram post ni Igan, ikinuwento niya na dalawang taon na ang nakakaraan nang pareho sila ni Jimmy na humarap sa isang health emergency.

Ipinost ni Arnold ang kuha nila ng mag-reunion matapos silang maka-recover.

Aniya, “Ngayong araw, two years ago, I suffered a hemorrhagic stroke. Tapos, ilang weeks, si Jimmy Gil or Ka Igme rin.

“Ang photo ay reunion naming dalawa bilang survivor . Isa si Ka Igme sa una kong nakilala sa GMA Network, Inc at Super Radyo DZBB noong lumipat ako taong 1989.

“Ka Igme salamat sa lahat. Pahinga ka na po…”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by AkosiiGan???? (@akosiigan)

Bago pumanaw, kasalukuyang host ng DZBB program na Jimmy Gil Live! ang veteran news personality. Taong 1979 naman nang pumasok si Jimmy bilang news writer sa Super Radyo DZBB.

Naging co-anchor din siya The Saturday & Sunday Evening Report kasama si Raffy Marcelo.

RELATED CONTENT: Celebrity deaths 2025: Actors, singers we've lost