Arnold Clavio, mariing itinanggi ang akusasyon ng dating aide ni Zaldy Co | GMANetwork.com - Radio - Articles

Arnold Clavio: 'Lies. Nakakatawa. Nakakalungkot.'

Arnold Clavio, mariing itinanggi ang akusasyon ng dating aide ni Zaldy Co

By AEDRIANNE ACAR

Handang harapin at patunayan ng multi-awarded GMA News TV and radio anchor na si Arnold Clavio sa korte na pawang ‘kasinungalingan’ ang mga alegasyon na binitawan ng isang dating tauhan ni Ako Bicol party-list representative Zaldy Co. 

Sa isang media briefing kahapon, June 16, isang nagpakilalang Mario Jr. ang nagturo kay Arnold na isa diumano sa mga taga-media na nabigyan ng paper bag na may lamang pera.

“Na-hire po ako kay Boss Zaldy [Co] noong January 2025. Diretso po ako na-assign sa isang PR na taga-media na si Bernard Peralta.” Lahad niya sa media briefing.

Sabay tinukoy niya si Igan at sinabing, “Doon ko po nakita ‘yung mga nabibigyan po ng paper bag na mga anchor na mga taga-media. Kagaya po kay Arnold Clavio at doon lang po muna. At affidavit ko na lang po ‘yung iba, sample lang po ‘yun marami pa po ako nakilalang taga-media.”

Ang naturang event ay dinaluhan ni dating Representative Mike Defensor at ang mga diumano'y member ng Philippine Marine Corps na naging aide at "bagmen" ni Co.

Sa kanyang pahayag, mariing sinabi ni Arnold "lies ang naging paratang sa kanya. 

“Lies. Nakakatawa. Nakakalungkot. Pero lahat ng ito ay haharapin ko ng walang takot. Talk is cheap. Bago ang dada, ebidensya muna. Hindi ako natatakot. Wala akong itinatago.”

“Magkita na lang kami sa korte, at doon ulitin nya lahat ng kanyang walang ka kwenta kwentang bintang.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by AkosiiGan???? (@akosiigan)

 

Samantala, naglabas din ng official statement ang GMA Network, na nagsabing susuriin ang naturang isyu.

“GMA Network has noted the statements made during a press conference earlier today. The Network takes matters involving the integrity of our journalists seriously. The Network will evaluate the matter further.”

“GMA Network remains committed to responsible journalism. We ask the public to refrain from drawing conclusions based on unverified information.”

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by AkosiiGan???? (@akosiigan)

 

Reated gallery: Celebrities and influencers share their take on trending flood control projects controversy