Super jamming with Jeniffer Maravilla at Andrei Fajardo sa Super Barangayan ngayong June 27
June 24 2026
Siguradong super saya at super na papremyo ang hatid ng Super Barangayan event ng GMA Radio ngayong June 27 sa Barangay 185, Caloocan City.
Mga Kapuso at Kabarangay, mag-register na para manalo ng cash, GMA Affordabox, at smartphone sa pasabog na kasiyahan na ito!
Makikisaya rin sa Super Barangayan ang Sparkle diva na si Jeniffer Maravilla at heartthrob na si Andrei Fajardo.
May chance rin kayo na ma-meet ang paborito ninyong Barangay LS DJs na magsisilbing hosts na sina Papa Yohan at Miss Meleya. Makakasama rin nila ang mga respetadong DZBB reporters na sina Tuesday Niu at Christian Maño.
RELATED CONTENT: All the times Jeniffer Maravilla transitioned from whistling diva to sexy siren
Para sa impormasyon at update sa Super Barangayan event ngayong weekend, makinig sa Super Radyo DZBB at Barangay LS, at i-follow din ang official social media pages ng mga nangungunang AM at FM station ng bansa.
Scroll to top
Comments
comments powered by Disqus