Sino-sino ang mga sikat na dapat abangan sa 'Barangay Love Stories'? | GMANetwork.com - Radio - Articles

Mapapanood na sa GMA-7 ang TV adaptation ng ‘Barangay Love Stories' simula September 12.

Sino-sino ang mga sikat na dapat abangan sa 'Barangay Love Stories'?

By AEDRIANNE ACAR

Matapos mamayagpag sa FM radio scene at naging isa sa top podcasts sa Pilipinas, handa nang dalhin ng GMA Radio at GMA Public Affairs ang Barangay Love Stories at mga kuwentong pag-ibig na nagpapaalala sa atin na may forever sa mas malaking platform.

Ang high-rating radio program na hosted by multi-awarded DJ Papa Dudut ay mapapanood na sa GMA-7 simula September 12.

READ: Papa Dudut promises more heartfelt stories at 'Barangay Love Stories' mediacon

Sinigurado ng mga bumubuo sa programa na tutukan ng lahat ang bagong chapter na ito ng Barangay Love Stories dahil bibida sa mga heartfelt stories ng radio drama anthology ang ilan sa pinakasikat na artista ngayon.

 

 

Sa inilabas na full trailer ng Barangay Love Stories, tiyak aabangan ng marami ang kuwento kung saan tampok si fast-rising Sparkle actress Shuvee Etrata at ang promising model-actor na si Anthony Constantino.

Kakakiligan din ng marami ang tambalan nina Sofia Pablo, Iñigo Jose, Ashley Sarmiento, at Rave Victoria!

Sa isang panayam kay Papa Dudut, inilahad niya ang sa tingin niya ay "unique selling point" ng Barangay Love Stories.

Paliwanag ng seasoned radio host, “Kahit nakapikit ka, para kang nakikinig ng radyo. This is the first time in Philippine television na nanonood ka ng drama, pero para kang nakikinig ng radyo,"

Para sa mga eksklusibong content at update sa TV adaptation ng Barangay Love Stories, bisitahin lang ang GMANetwork.com.

RELATED CONTENT: Barangay Love Stories receives special recognition from Spotify