Listen to DZBB Live Audio Stream
Listen to DWLS Live Audio Stream
advertisement
advertisement
Aired: October 31, 2019 Kolehiyo pa lamang si Julie ay aminado siyang malaki na ang paghanga niya sa matipuno, guwapo, at matalinong fourth year law student na si Roman. Kaya't hanggang sa makatapos ito ng kolehiyo ay palagi niyang kinukuhanan ng litrato gamit ang kanyang camera. Makalipas ang pitong taon, pumasok bilang isang legal assistant si Julie sa isang law firm at laking gulat niya nang malamang ang boss niya ay ang 7-year crush niyang si Roman! Dito na kaya magsimula ang kuwento ng pag-ibig nila? Pakinggan ang kuwentong "Stalker Angel" na sa ating Barangay Love Stories. #BLSStalkerAngel #BLS #BarangayLoveStories Makinig ka sa radyo or maging updated online! Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more
Aired: June 16, 2019 Ano-ano nga ba ang katangian ng isang ama? Matapang, matipuno, masipag, at tigasin! Ngunit paano kung ang hinahangaan mong ama, ay isang beki pala? Ano ang iyong gagawin? Pakinggan ang kuwento ng buhay ni Lorraine at kung paano niya buong-pusong tinanggap ang pagkatao ng kanyang beking ama. #BLSAngTatayKongBeki #BLS #BarangayLoveStories Makinig ka sa radyo or maging updated online! Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more
Aired: October 12, 2022 Ang taong may pinagdaraanang mahirap, walang ibang hangad kundi siya'y matanggap. Dahil iba-iba ang direksyon natin sa buhay at 'di lahat ay merong kasamang maglakbay. #BLSTanggapKita #BLS #BarangayLoveStories Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more
Aired: July 2, 2022 Ang gusto lang naman ni Marie ay magkapagtrabaho nang maayos at tahimik para makapagpadala ng pera sa kanyang pamilya. Pero simula nang makilala niya si Ryan, lagi siyang nasasangkot sa gulo. At ang mas kinaiinis pa niya ay may gusto raw sa kanya si Ryan kaya hindi siya nito tinatantanan. Pakinggan ang kuwento ni Marie sa Barangay Love Stories. #BLSPinagtagpo #BLS #BarangayLoveStories Makinig ka sa radyo or maging updated online! Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more
Aired: February 27, 2021 Normal lang na magkaroon ka ng super duper ka-close sa mga kamag-anak mo, lalo na sa mga pinsan na kasing edad mo rin. Ganun ang relationship nina Boyet at Alma. Pero paano kung ang akala nilang pagmamahal lang sa isang pinsan ay mas malalim pa pala? Sinubukan nilang gawin ang tama at nilayuan ang isa't isa pero nang malaman nilang hindi pala talaga sila magkadugo, gagamitin ba nila ang utak, ang puso, o both? Pakinggan ang kuwento ni Boyet sa Barangay Love Stories. #BLSKasunduan #BLS #BarangayLoveStories Makinig ka sa radyo or maging updated online! Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more
Aired: September 19, 2020 Kung pagiging habulin lamang ng mga babae ang usapan, ilista mo na at siguradong kasama diyan ang lesbianang si Dandan! Kung tutuusin bilang isang babae ay sobrang ganda niya at bilang isang lalaki naman ay talagang makalaglag-panga ang kagwapuhan. Lahat ng ito ay nagbago nang isang gabi ay malasing silang dalawa ng best friend niyang si Onad at sa pagsapit ng umaga ay wala na silang saplot! Ilang buwan ang nakalipas, napag-alaman ni Dandan na ipinagbubuntis niya ang anak nila ng kaibigan niyang si Onad. Panagutan kaya siya nito? #BLSBarako #BLS #BarangayLoveStories Makinig ka sa radyo or maging updated online! Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more
Aired: August 20, 2022 May mga tao ng gagawin ang lahat magkaroon lamang sila ng anak. Pero may mga tao ring nagiging magulang kahit hindi pa sila handa. Pareho itong naranasan ni Elena at ng kanyang asawa. Ang batang binitawan nila noong hindi pa sila handa ay ang batang aasam-asamin pala nila sa kanilang pagtanda. Pakinggan ang kuwento ni Elena sa Barangay Love Stories. #BLSHatol #BLS #BarangayLoveStories Makinig ka sa radyo or maging updated online! Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more
Aired: August 6, 2022 Minsan, hindi natin hinahanap ang pag-ibig pero kusa itong dumarating. Ngunit hindi lahat ng pag-ibig ay totoo dahil ang iba ay gusto lang manggamit at manlinlang, katulad ng pag-ibig ni Lester kay Faye. Pero kahit na ganun, magagawa pa rin ni Faye na ipagpatuloy ang kanilang relasyon. Pakinggan ang kuwento ni Faye sa Barangay Love Stories. #BLSSagad #BLS #BarangayLoveStories Makinig ka sa radyo or maging updated online! Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more
Aired: July 30, 2022 Nang mamatay agad ang pinakamamahal na asawa ni Manuel, sinabi niyang hindi na siya muling magmamahal. Iyun ay hanggang sa makilala niya si Clara na madalas ding dumalaw sa puntod ng yumao nitong ama. Mahirap makipagrelasyon sa taong malayo ang agwat sa edad mo. Pero minsan, mahirap makipagrelasyon dahil hindi mo alam kung hanggang kailan kayo magkakasamang dalawa. Pakinggan ang kuwento ni Manuel sa Barangay Love Stories. #BLSAgwat #BLS #BarangayLoveStories Makinig ka sa radyo or maging updated online! Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more
Aired: June 18, 2022 Mahirap maging mahirap. Lahat gagawin ni Dado para mapakain ang kanyang pamilya kahit pa magbenta siya ng katawan. Kaya nang makilala niya si Tonya, isang mayaman na naghahanap ng lalaking tutugon sa pangangailangan ng kanyang laman, guminhawa bigla ang buhay ni Dado pati ng kanyang pamilya. Pero sa pagbabalik ng ex girlfriend ni Dado, makukuntento pa rin kaya siya sa kaligayahan na dulot ng pera? Pakinggan ang kuwento ni Dado sa Barangay Love Stories. #BLSParokyano #BLS #BarangayLoveStories Makinig ka sa radyo or maging updated online! Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more
Aired: June 12, 2021 Hindi masama ang mag-asawa ulit para magkaroon ng katuwang sa buhay. Pero paano kung ang akala mong katuwang ay siya pa palang mas magpapahirap sa mahirap nang buhay ng mga anak mo? Wala pang isang taon nang makahanap ulit ng babaeng mamahalin ang tatay ni William at Nina simula nang mamatay ang nanay nila. Wala naman sanang problema noong una pero nagbago ang lahat nang maging stay-in sa trabaho ang tatay nila. Hindi lang masasakit na salita ang nakukuha nila sa kanilang madrasta dahil sinasaktan din sila nito. Sino ba ang dapat mas pagkatiwalaan, ang mga anak mo o ang babaeng minamahal mo? Pakinggan ang kuwento ni William sa Barangay Love Stories. #BLSBugbog #BLS #BarangayLoveStories Makinig ka sa radyo or maging updated online! Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more
Aired: April 10, 2021 Anak ng isang pastor si Clara at aminado siyang spoiled at pasaway siya na bata sa school pati na rin sa simbahan. Kahit nga na bawal muna siya mag-boyfriend ay ginagawa niya pa rin pero palihim lang dahil ayaw niyang mapahiya ang kanyang papa. Kaya nang dumating si Nelson sa kanilang simbahan, hindi niya pinalampas ang chance na akitin ang mabait at poging binata. Sinubukang pagsamantalahan ni Clara si Nelson, pero dahil muntik na siyang mahuli ng kanyang papa, binaliktad niya ang sitwasyon at pinalabas na si Nelson ang nagtangka ng masama sa kanya. Pakinggan ang kuwento ni Clara sa Barangay Love Stories. #BLSBintang #BLS #BarangayLoveStories Makinig ka sa radyo or maging updated online! Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more
Aired: June 3, 2021 May mga tao talagang titiisin ang sakit makaganti lamang. Never naging maayos ang relasyon ni Ray sa kanyang ama simula pa pagkabata. At hindi na rin nawala ang galit niya dahil masipag itong mag-uwi ng iba-ibang babae sa kanilang bahay. Ngunit nang makilala ni Ray si Claire, sumaya naman ang kanyang buhay hanggang sa pati si Claire ay ang maagaw ng kanyang ama. Pero si Claire, may mas malalim pang dahilan kung bakit nagpaagaw sa ama ng kanyang nobyo. Pakinggan ang kwento ni Ray sa Barangay Love Stories. #BLSPuot #BLS #BarangayLoveStories Makinig ka sa radyo or maging updated online! Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more
Aired: January 9, 2021 Ang mahihirap na pagsubok ay sa mga malalakas na tao lang daw binibigay. Minsan tuloy gusto mo na lang maging mahina dahil sa bigat ng iyong dalahin. Lumaki at sanay sa hirap si Allan kaya nagtrabaho siya nang maigi upang mabigyan ng maayos na buhay ang kanyang munting pamilya. Ngunit nang simulan silang hamunin ng buhay, hindi niya kinakaya na pati pamilya niya ay kasama niyang nahihirapan. Mahirap man intindihin na sa dulo ng bawat hamon at may ginhawa, iyun pa rin ang pinanghawakan ng kanilang pamilya. Pakinggan ang kwento ni Allan sa Barangay Love Stories. #BLSPagsubok #BLS #BarangayLoveStories Makinig ka sa radyo or maging updated online! Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more
Aired: September 8, 2019 Nagkaroon ng anak sa kanyang pagka-dalaga si Loisa bunga ng kanilang pagmamahalan ng dati niyang kasintahan na si Brando. Hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon kaya't mag-isa niyang itinaguyod ang anak niyang si Joshua. Makalipas ang ilang taon, dito naman nakilala ni Loisa si Peter. Mula nang masilayan ng binata ang kanyang kagandahan ay sinuyo siya nito hanggang makamit ang matamis niyang 'Oo.' Noong una ay masaya at payapa pa ang lahat ngunit nang makasama niya sa iisang bubong ang ina ni Peter ay kalbaryo na ang kanyang naranasan. #BLSManugangNaHilaw #BLS #BarangayLoveStories Makinig ka sa radyo or maging updated online! Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more
advertisement
Aired: August 12, 2020 Totoo nga bang mas makikilala mo ang isang tao kapag nagsama na kayo sa iisang bubong? Pakinggan ang kuwento nina Rosie at Dan, dalawang mapusok na kabataang maagang nakipag-live in sa isa't isa upang bumuo ng kanilang pamilya at pangarap. Ngunit sa oras nang kanilang pagsasama, napansin ni Rosie ang mga pagbabago kay Dan. Hudyat na ba ito na dapat na nilang tapusin ang relasyong kanilang nasimulan? #BLSDisisyete #BLS #BarangayLoveStories Makinig ka sa radyo or maging updated online! Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more
Aired: January 25, 2020 Maganda, matalino, at isang kagalang-galang na guro si Lexi. Sa pamamagitan ng kanyang galing sa pagtuturo ay maraming estudyante ang humahanga sa kanya. Kaya hindi maiiwasang may ilang estudyante ang mahulog ang loob sa kanya, isa na rito si Ian. Tama nga kayang umibig siya sa isang estudyante? O isang pagsubok lamang ito na susubok sa kanyang pagkababae? #BLSLessonPlan #BLS #BarangayLoveStories Makinig ka sa radyo or maging updated online! Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more
Aired: May 8, 2021 Isa sa may pinakamasakit na kuwento ng pag-ibig ay ang mga taong pinagtagpo pero hindi itinakdang magkatuluyan. First love and first girlfriend ni Elvin si Dina. Simula pa lang ng kanilang relasyon ay malinaw na sa kanila na hihintayin nila ang kasal bago nila pagbigyan ang kanilang mga sarili. Almost perfect na sana ang kanilang kuwento pero bigla na lang nabuntis si Dina at syempre hindi si Elvin ang ama. Paghihiwalayin sila ng tadhana at sa muling pagtatagpo nila, may kanya-kanya na silang pamilya. Bibigay kaya ang isa sa kanila, o pareho sila? Pakinggan ang kuwento ni Elvin sa Barangay Love Stories. #BLSOldFlame #BLS #BarangayLoveStories Makinig ka sa radyo or maging updated online! Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more
Aired: January 2, 2021 Kahit anong tukso pa ang lumapit sa'yo, kung matatag ang paninindigan mong mahal mo ang isang tao hindi ka matatalo ng tukso. Akala ni Oscar ay kuntento na siya sa buhay niya kasama ang asawang si Carol. Pero nang makilala niya ang kapitbahay nilang si Bella, may mga 'pangarap' pa pala siyang gustong makamit. Masarap nga ba talaga ang bawal o sumasarap ito dahil nagsawa na tayo sa nakasanayan? Pakinggan ang kuwento ni Oscar sa Barangay Love Stories. #BLSNakaw #BLS #BarangayLoveStories Makinig ka sa radyo or maging updated online! Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more
Aired: September 26, 2020 Kahit halos perfect na ang buhay ni Ernest, pakiramdam niya may kulang pa rin. May-kayang magulang, bonggang bahay, maraming pera, magandang asawa at maraming anak, sinong mag-aakalang ang pagkukulang na hinahanap niya, sa kapwa lalaki niya pala mahahanap. Hindi pwedeng dalawa, kailangan pumili lang ng isa - ang pamilyang binuo niya o ang lalaking tingin niyang tunay na magpapaligaya sa kanya? #BLSPiloto #BLS #BarangayLoveStories Makinig ka sa radyo or maging updated online! Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more
Aired: July 31, 2021 Ano ang mas madaling ibalik, pag-ibig na naubos o tiwalang hindi na buo? Limang taon nang magkarelasyon sina Neil at Candy kaya nang malaman ni Candy na halos isang taon na pala siyang niloloko ng pinakamamahal niya, para na ring gumuho ang mundo niya. Sa huli na-realize ni Neil na si Candy pa rin pala ang mahal niya, kaya sinuyo niya ito nang sinuyo hanggang masungkit niyang muli ang puso ni Candy. Pero puso lang ang natanggap ulit ni Neil, hindi ang buong tiwala ng dalaga. Pakinggan ang kwento ni Candy sa Barangay Love Stories. #BLSMaibabalikPaBa #BLS #BarangayLoveStories Makinig ka sa radyo or maging updated online! Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more
Aired: October 10, 2020 Katulad ng maraming relationship, matamis at masaya ang mga unang taon ni Rea sa piling ni Ivan. Ngunit biglang nagbago ang lahat nang maging workaholic ito at nawalan na ng time para kay Rea. Hindi na napigilan ni Rea na magtaksil ngunit nang malaman niya ang lihim ni Ivan, tama lang ba na bigyan pa nila ng pagkakataon ang isa't isa? Pakinggan ang kuwento ni Rea sa Barangay Love Stories. #BLSSalawahan #BLS #BarangayLoveStories Makinig ka sa radyo or maging updated online! Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more
Aired: December 18, 2019 Isang achiever si Rosenda, inuna niya ang kanyang pag-aaral kaya siya tumandang dalaga. Marami man ang ireto sa kanya ng mga kaibigan niya, ay parati niya naman itong tinatanggihan. Hanggang sa nakilala niya si Tim na nagbago ng kanyang pananaw sa pag-ibig. Magmula noon ay naging sunud-sunuran si Rosenda sa mga kagustuhan ni Tim hanggang sa dumating ang araw na malaman niyang ang nobyo na kanyang pinakamamahal ay nakabuntis pala! Ano kaya ang kanyang gagawin? #BLSSugarMommy #BLS #BarangayLoveStories Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more
Aired: November 21, 2020 Mahirap maging karibal ang taong mas guwapo o mas maganda sa iyo pero minsan mas mahirap na karibal ang tukso ng pera. Masaya ang kadalasang simula ng mga relasyon pero nasusubok ang katatagan nito kapag lumalapit na ang tukso. Gaano nga ba ka-wagas ang pag-ibig ng asawa ni Carmella na hangad ang pag-asenso at magandang buhay para sa kanyang pamilya? Pakinggan ang kuwento ni Carmella sa Barangay Love Stories. #BLSTukso #BLS #BarangayLoveStories Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more
Aired: March 20, 2021 Kahit tunay ang pag-ibig na nararamdaman mo para sa isang tao lalapitan ka pa rin ng tukso at kapag ganun, ikaw na ang bahala kung papatulan mo ito o lalayuan na lang. Maayos at masaya naman ang pamilyang binuo ni Steve at ng asawa niyang si Claire, ngunit nang matanggal sa trabaho si Steve napilitang mangibang bansa ni Claire para maghanapbuhay. At para makatulong sa gastos sa bahay, inalok ni Claire ang kumare nilang si Carla na upahan ang isa sa kanilang kwarto. Pero si Carla, iba pala ang gustong upahan. Pakinggan ang kwento ni Steve sa Barangay Love Stories. #BLSKumare #BLS #BarangayLoveStories Kinig ka radyo or maging updated online! Audio Streaming: bit.ly/BarangayLS971Live Tiktok: tiktok.com/@barangayls971 Instagram: instagram.com/barangaylsfm Twitter: twitter.com/barangaylsfm Facebook: fb.com/Barangayls971 Read more