Rita Daniela sheds sweet image to be a fierce performer | GMANetwork.com - Records - Articles

Make way for the new Rita Daniela!

Rita Daniela sheds sweet image to be a fierce performer

By ANN CHARMAINE AQUINO

By April, ilalabas na ni Rita Daniela ang kanyang bagong album under GMA Records. Pero bago pa man niya iparinig sa atin ang kanyang mga kanta, ibinahagi ni Rita ang kanyang mga naging inspirasyon sa pagbuo nito.

Must read: Sino ang gustong sumampal kay Rita?

Kuwento ni Rita, iba’t-ibang genre ang maririnig sa kanyang album. Aniya, “medyo Jazz and medyo R&B siya and dance so very different from sa music ng iba.”

Bukod sa naiibang music na ipaparinig ni Rita sa kanyang fans, inilahad rin niya ang isa sa kanyang naging inspirasyon simula ng siya ay sumali sa Popstar Kids.

“Si Ate Jolina [Magdangal], hindi po nagbago ‘yun sa akin kasi bata pa lang ako siya na talaga 'yung idol ko. Kahit doon sa Popstar Kids pa, ‘yun na 'yung sinasabi ko.”

Ayon kay Rita, nabigyan siya ng payo ng kanyang Ate Jolina pagdating sa kanyang career. “Parati niyang sinasabi sa akin na huwag daw akong mapapagod and always be humble. 'Yun 'yung sinasabi niya sa akin kasi 'yun daw talaga 'yung secret. Si Ate Jolina po talaga 'yung inspirasyon ko dito kasi 'di ba sobrang layo na po ng narating ni Ate Jolina,” saad ni Rita.

Bukod kay Jolina ilang foreign artists din ang naging inspirasyon ni Rita sa kanyang new image at para sa pictorial ng kanyang album.

Pahayag ni Rita, “Jennifer Lopez and Rihanna. Actually nung nag-pictorial kami sila 'yung naging peg namin. In fairness naman po, nakuha naman po namin yung mga pegs namin. Sana magustuhan nila, excited akong makita niyo 'yung buong album.”

Dahil sa sexy ang image ni Jennifer Lopez and Rihanna, magiging sexy na rin kaya ang image ni Rita?

“Iniwasan rin po namin na sobra. Basta hindi naman po masyadong kitang kita 'yung skin. Ang ni-request ko po sa kanila na sexy pero class. It doesn't need to be na sobra 'yung skin kahit po nakabalot pero kung class 'yung dating niya, sexy pa rin siya.”

Sa Instagram account ni Rita, ipinasilip na niya ang kanyang album.

 

So this is my #intlhappinessday?????? this is it!???? in just a few weeks, you'll have this album in your hands too????????

A photo posted by Rita Daniela (@missritadaniela) on