Alden Richards, pumirma ng kontrata sa GMA Records | GMANetwork.com - Records - Articles

Break muna si Bae Alden Richards sa pagda-dubsmash. Tototohanin na kasi niya ang pagkanta bilang contract artist ng GMA Records.

Alden Richards, pumirma ng kontrata sa GMA Records

By CHERRY SUN

PHOTO BY GMA RECORDS

Break muna si Bae Alden Richards sa pagda-dubsmash. Tototohanin na kasi niya ang pagkanta bilang contract artist ng GMA Records.

Ngayong araw, August 13, naganap ang contract signing ni Alden. Dinaluhan ito nina GMA Chief Financial Officer and Executive Vice-President & COO of GMA Records Felipe S. Yalong, GMA Senior AVP for Alternative Productions and Talent Manager for GMA Artist Center Gigi Santiago-Lara, Rene Salta, Managing Director of GMA Records at GMA Records A&R Manager Kedy Sanchez.

“Boses na, bosesan na ‘to! [At] voice workshop pa more,” hirit ni Alden tungkol sa pagbabalik niya sa recording.

Dagdag niya, surprise raw ang magiging unang album niya with GMA Records.

“Surprise, surprise. Pero I’m sure makaka-relate lahat. Alam niyo na [mga AlDub fans],” pahiwatig nito.

Busy man sa kanyang hosting at acting stint sa Eat Bulaga at kalye-serye, bibigyang-oras daw ni Alden ang kanyang bagong proyekto.

READ: Alden Richards, inaabangan ang pagkikita nila ni Yaya Dub 

“Mag-allot ako dapat ng time for recording para ma-expedite ‘yung processing, ‘yung release nung singles. Meron na naman pong dapat abangan ‘yung mga Kapuso natin dyan,” wika niya.

Kasama sa kanyang upcoming album ang dalawang original songs habang ang iba ay remake ng mga kantang talagang tumatak na. Kasama rin kaya rito ang mga kantang pinasikat nila ni Yaya Dub?

Tutok lang sa GMANetwork.com to find out!