Alden Richards, nag-shoot na ng kanyang unang music video | GMANetwork.com - Records - Articles

Pasko ang tema ng kanyang music video kaya mala-Winter Wonderland ang background nito.

Alden Richards, nag-shoot na ng kanyang unang music video

By BEA RODRIGUEZ

Sakop na talaga ng Pambansang Bae na si Alden Richards ang all forms of media, mapa-TV, radio, film o social media man.

Nang ini-release ng GMA Records ang kanyang kanta na Wish I May ngayong buwan, agad itong nanguna sa iTunes PH chart.

READ: Alden Richards debuts at the top spot of iTunes charts

Pumasok rin ang kanta sa The Big Ten ng Barangay LS 97.1 noong huling linggo at nanguna rin sa listahan.

READ: Alden Richards’ ‘Wish I May’ debuts at No. 1 in The Big Ten 

Wala na talagang makakapigil sa success ng Eat Bulaga host dahil nag-shoot na rin siya ng kanyang unang music video sa ilalim ng direksyon ni Louie Ignacio.

Pasko ang tema ng kanyang music video kaya mala-Winter Wonderland ang location shoot nito. Nakatakda rin i-release ang album ni Alden sa susunod na buwan.

Video courtesy of GMA News