'God Gave Me You,' kasama sa album ni Alden Richards | GMANetwork.com - Records - Articles

Tama mga Dabarkads! Ang isa sa theme songs ng AlDub ay makakasama sa ikalawang album ni Pambansang Bae Alden, at bukas live nya itong kakantahin bilang pagtupad sa mga kondisyon ni Lola Nidora sa Kalye-serye. 

'God Gave Me You,' kasama sa album ni Alden Richards

By LORIE RAMIREZ

 

A photo posted by GMA Records (@gmarecords) on



Tama mga Dabarkads! Ang isa sa theme songs ng AlDub ay makakasama sa kanyang ikalawang album, ang Wish I May. Tiyak na kikiligin kayo kapag narinig ninyo ang version ni Alden sa kantang pinasikat ni Bryan White.

READ: 'God Gave Me You' singer Bryan White is an AlDub fan 

In fact, bukas (September 26), sa Kalye-serye ng Eat Bulaga, maririnig natin ang Pambansang Bae na kantahin ang God Gave Me You. Isa ito sa mga hiniling ni Lola Nidora na kondisyon sa pagbisita ni Alden sa mansyon para umakyat ng ligaw kay Yaya. Tiyak na #kiligpamore ang AlDubnation at AlDubarkads sa pagharana ni Tisoy (Alden) kay Meng (Maine Mendoza) bukas, kaya huwag itong palampasin.





Ang Wish I May ay maari ninyo nang i-pre-order at i-download sa iTunes at iba pang online music store.

READ: Alden Richards' newest CD, pwede nang mapre-order! 

Puwede ninyo na ring gawing ringback tune ang carrier single ni Alden sa inyong mga mobile phones.

 

Support pa more sa NEW ALBUM ni @aldenrichards02 Let's download #WishIMay ringback :) #ALDUBPreparationDay

A photo posted by GMA Records (@gmarecords) on