Maricris Garcia, pinaghugutan ang kanyang relasyon para sa 'Ako Nalang Ang Bibitaw' | GMANetwork.com - Music - Articles

"Dapat na ba ako mag-let go...or magtiis pa ako?" - Maricris

Maricris Garcia, pinaghugutan ang kanyang relasyon para sa 'Ako Nalang Ang Bibitaw'

By CHERRY SUN

Hindi itinanggi ng Kapuso singer-actress na si Maricris Garcia na totoong naka-relate siya sa linya at mensahe ng kanyang latest single na Ako Nalang Ang Bibitaw.

“It’s about a relationship na hindi na nagwo-work. A couple fell out of love,  so ‘yung isa nagde-decide nang maghiwalay na lang,” panimula ni Maricris sa panayam ng GMANetwork.com, at ito raw ay naransan niya mismo.

“Na-experience ko siya lahat. Talagang line per line, word per word sobrang pinagdaan ko kaya gustong-gusto ko ‘yung kanta,” patuloy niya.

WATCH: The official music video of Maricris Garcia's 'Ako Nalang Ang Bibitaw' 

Para sa Marimar star at GMA Records artist, ang pinakatumatak sa kanya ay ang linyang “Kumakapit na lang ba sa alaala ng panahon na tayo’y masaya” mula sa kanta.

Ibinahagi niya kung paano dumating ang panahon na napag-isip siya tungkol sa kanyang relasyon. Pagbabalik-tanaw niya, “Ano ba, hanggang dito na lang ba?’ Dapat na ba ako mag-let go, or magtiis pa ako? Baka kaya ko pa, or baka kaya pang i-work out.”

Ani Maricris, itong mapait na karanasan ang kanyang pinaghuhugutan para sa kanyang latest single. Pag-amin pa niya ay naalala raw niya ito habang nire-record ang kanta. Gayunpaman, masaya niyang ikinuwento na naka-move on na sila at nagkaayos na ng kanyang boyfriend.

“Babalik lahat ng emotions, parang ayan ulit, nangyari ulit. Pero dahil nga tapos na, masaya na. Positive pa rin sa bandang huli,” wika niya.