Derrick Monasterio on his upcoming album: 'Makakakita kayo ng bagong ako' | GMANetwork.com - Music - Articles

Ani Derrick, higit pa sa ibinigay niya bilang aktor ang ibabahagi niya sa kanyang bagong album. 

Derrick Monasterio on his upcoming album: "Makakakita kayo ng bagong ako"

By CHERRY SUN

Aminado si Derrick Monasterio na simula pagkabata ay pinangarap na niya na maging isang recording artist. Ngayong dumating na ang oportunidad na ito sa pamamagitan ng GMA Records, excited ang Kapuso hunk na magbahagi ng higit pa sa ipinakita niya bilang isang aktor.

 

A photo posted by GMA Records (@gmarecords) on


Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com ay nagkuwento si Derrick tungkol sa kanyang upcoming solo album.

"Pinangarap ko rin talaga nung bata ako na magka-album tapos makita ko 'yung CD ko sa record stores. I'm really looking forward to having an album talaga and sana [maging] mataas 'yung sales," pahayag niya.

READ: Derrick Monasterio fulfills childhood dream as a GMA Records artist

Ani Derrick ay may sarili siyang istilo sa pagkanta at ito ang mahaha-highlight sa kanyang pinakabagong proyekto. Nais daw niyang makilala sa genre na "classical/acoustic balladeer" tulad ni Christian Bautista.

"'Yung album na 'to medyo fino-focus syempre 'yung strength ko which is ballad," sambit niya.

Dagdag din ni Derrick, "Makakakita kayo ng bagong ako, so medyo may pagka-rock din siya tapos may duet."

 

Ang upcoming album ni Derrick ay may halong revivals at original compositions. Pumapaksa rin ito tungkol sa relasyon at pag-ibig.