Alden Richards, pinarangalan ng 7x platinum award para sa album na 'Wish I May' | GMANetwork.com - Records - Articles

Bumuhos ang luha ng Pambansang Bae nang tanggapin niya ang sorpresang inihanda ng GMA Records at 'Sunday Pinasaya' ngayong hapon (July 17). 

Alden Richards, pinarangalan ng 7x platinum award para sa album na 'Wish I May'

By ANN CHARMAINE AQUINO

Ngayong Linggo (July 17), isang sorpresa ang handog ng Sunday PinaSaya at GMA Records para kay Alden Richards.

Si Alden ay binigyan ng 7x Platinum Award para sa kanyang album na 'Wish I May' under GMA Records.

IN PHOTOS: Alden Richards's 7x platinum award for 'Wish I May'

Bumuhos ang luha ng Kapuso star nang kanyang tanggapin ang parangal na ito mula kay Mr. Rene Salta, ang Managing Director ng GMA Records.

"Thank you po" naluluhang pahayag ni Alden.

Dagdag pa niya, "Itong 7x platinum, thank you so much."

Nagpasalamat rin si Alden sa mga taong nagdududa umano sa kanya. Aniya, "Kahit na ang dami nang nagdududa, ang dami nang nagduda sa akin, thank you."

"At saka sana po dun naman po sa mga supporters na may nagdidikta sa inyo may nagsasabi sa inyo, alam naman po ninyo kung ano 'yung tama. Alam ko kung sino ang dapat paniwalaan. At alam ko kung sino ang may mabuting puso." pagtatapos ni Alden.

More on Alden Richards:
 

LOOK: Grab your own Alden Richards limited edition bae lines notebook

Alden Richards, personal na pinuntahan ang special screening ng 'Imagine You and Me' ng mga Aldenatics 

AlDub gets own social media emoji on first anniversary