Theme songs ng bagong GMA shows, maaari nang i-download | GMANetwork.com - Records - Articles

Download na, mga Kapuso!

Theme songs ng bagong GMA shows, maaari nang i-download

By CHERRY SUN

Hindi niyo na kailangan maghintay ng hapon o gabi para mapakinggan ang pabirto niyong theme songs ng mga bagong GMA shows.

Ang ‘Sa Lahat Ng Iba’ ni Aicelle Santos para sa hit drama series na Ika-6 Na Utos ay available for download sa iTunes, Spotify, Amazon at ibang digital platforms.

 

Available din for download at streaming sa Spotify ang ‘Aking Tadhana’ ni Denise Barbacena, ang theme song ng Destined To Be Yours na pinagbibidahan nina Alden Richards at Maine Mendoza. Pwede rin itong gawing ringback tune.

 

 

Maaari ring gawing ringback tune ang Pinulot aKa Lang Sa Lupa theme song na ‘Pag-ibig Di Lumisan’ ni Julie Anne San Jose.

 

Samantala, simula bukas, March 3, magiging available na rin for download ang ‘Pangarap’ ni Maricris Garcia, ang theme song ng Legally Blind.

 

Download na, mga Kapuso!

MORE ON KAPUSO THEME SONGS:

EXCLUSIVE: Maricris Garcia on being the voice of several Kapuso telenovela theme songs

Destined To Be Yours: Tadhana by Denise Barbacena (Official Music Video)

WATCH: Ken Chan – Ako'y Mahalin (Destiny Rose theme song)