EXCLUSIVE: Alden Richards, ipinaliwanag ang title ng kanyang upcoming concert na 'Adrenaline Rush' | GMANetwork.com - Records - Articles

Sa September 21 gaganapin ang pangalawang concert ni Alden Richards na pinamagatang 'Adrenaline Rush.' Bakit nga ba ito ang napiling title ng kanyang concert?

EXCLUSIVE: Alden Richards, ipinaliwanag ang title ng kanyang upcoming concert na 'Adrenaline Rush'

By MARAH RUIZ

Sa September 21 gaganapin ang pangalawang concert ni Kapuso singer and actor Alden Richards na pinamagatang Adrenaline Rush. 

"Another performance ang kanilang aabangan so siyempre kailangan extra effort to make it better than the first one," pahayag niya sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Bakit nga ba Adrenaline Rush ang napiling title ng kanyang concert?

"We'll make sure that that's what they'll feel when they watch the show," paliwanag niya.

Sisikapin daw ni Alden na maging mas maganda ang concert nito kumpara sa kanyang naunang pagtatanghal.

"I guess every performer naman always aims to do better than the previous shows that they've done. That's the goal and objective of this concert," ayon sa kanya. 

Espesyal daw sa kanya ang mga concerts dahil ito ang time para makasama niya ang kanyang mga tagahanga. 

"Aside from that, I want the people to enjoy. It's a way of giving back. Bilang 'thank you' for seeing me in person, I want to entertain, I want to perform in front of them. 'Yun 'yung lagi kong objective when I do shows like those," aniya.

Bukod sa kanyang parating na concert, mapapanood din si Alden sa upcoming GMA Telebabad series na Victor Magtanggol.