WATCH: Fans ni Kyline Alcantara, dumagsa sa ticket-selling ng kanyang concert | GMANetwork.com - Records - Articles

Matapos bumida sa primetime show na 'Kambal, Karibal,' ang kanyang upcoming concert naman ang pinagtutuunan ng pansing ngayon ni Kyline Alcantara. Silipin ang naging pagdagsa ng kanyang supporters sa SM Sky Dome.

WATCH: Fans ni Kyline Alcantara, dumagsa sa ticket-selling ng kanyang concert

By CHERRY SUN

Umugong ang sigaw at tilian para kay Kyline Alcantara sa SM Sky Dome. Dumagsa kasi rito ang fans ng La Nueva Kontrabida para sa ticket-selling ng kanyang first major concert.

Matapos ang kanyang guesting sa Sunday PinaSaya nitong Linggo, August 5, dumiretso si Kyline sa kanyang concert venue para makita ng kanyang mga tagahanga na bibili ng tickets para sa ‘Kyline Take Flight Concert’ niya na magaganap sa September 8.


“Maraming, maraming salamat sa mga Sunflowers ko, at syempre sa mga Sunflowers ko na hindi pa nakakabili ng concert tickets ko, sana po bumili na kayo please, please, please, dahil pinaghahandaan ko po ito,” mensahe ng aktres sa panayam ng 24 Oras.

Matapos bumida sa primetime show na Kambal Karibal, mas pagtutuunan daw muna ni Kyline ang kanyang upcoming concert at album under GMA Records. Magpo-focus din daw siya sa kabi-kabilang acting workshops para mas mahasa pa ang kanyang galing sa pag-arte.

Bahagi niya, “Gusto ko pa rin po maging kontrabida. Well, bida-kontrabida if bigyan po ako ng chance slash stuntwoman. Kasi sa Kambal Karibal po nagkakaroon po kami ng stunts doon and I fell in love. So parang gusto ko po magkaroon ng action na teleserye.”