READ: Kyline Alcantara, nakaranas ng fake love? | GMANetwork.com - Records - Articles

Sa anim na kantang kasama sa self-titled debut album ni Kyline Alcantara, madali lang daw siya nakapili ng gagawin niyang carrier single. Bakit kaya niya napili ang "Fake Love?"

READ: Kyline Alcantara, nakaranas ng fake love?

By CHERRY SUN

Sa anim na kantang kasama sa self-titled debut album ni Kyline Alcantara, madali lang daw siya nakapili ng gagawin niyang carrier single. Marami raw kasi ang nakaka-relate dito kabilang na mismo ang young Kapuso star.

“Fake Love” ang titulo ng carrier single ng album ni Kyline. Ito ay original composition ng kanyang kapwa GMA Records artist na si Mikee Misalucha at ni Vince Lucero.

Paliwanag niya, “’Yun po ‘yung na-decide-an namin na maging carrier single because super in nga po ‘yun sa millennials ngayon like aminin naman po natin, our generation, marami pong kumakalat na fake love. Maraming makaka-konekta sa akin.”

“Naranasan ko na po maka-receive ng fake love,” dagdag din ni Kyline.

Maaaring i-preorder ang “Fake Love” sa iTunes mula September 1 to 7, at magiging available ito on digital format simula September 8.

Kasama rin sa kanyang album ang mga kantang “Sundo,” “Pwede Bang Bukas Na Lang,” “Ikaw Lang at Ako,” “Paglisan” at “Parang Baliw.”