EXLUSIVE: Kyline Alcantara, ano ang nais ibigay sa kanyang mga magulang? | GMANetwork.com - Records - Articles

Isa si Kyline Alcantara sa nagbibigay ng pinansyal na tulong sa kanilang pamilya gamit ang kanyang kinikita sa showbiz.

EXLUSIVE: Kyline Alcantara, ano ang nais ibigay sa kanyang mga magulang?

By BEA RODRIGUEZ

Isa si Kyline Alcantara sa nagbibigay ng pinansyal na tulong sa kanilang pamilya gamit ang kanyang kinikita sa showbiz.

Ikinuwento ng young actress-singer sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com na ibinibigay niya sa kanyang mga magulang ang kita niya bilang isang artista. “Yes po. Kailangan naman siguro sa family na nagtutulungan kami. Isa ako doon sa tumutulong.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kyline Alcantara (@itskylinealcantara) on

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kyline Alcantara (@itskylinealcantara) on

 

Marami pang pangarap ang young star para mabigyan ng kumportableng buhay ang kanyang pamilya—isang rason kung bakit siya nagsusumikap sa kanyang napiling karera.

“Siguro, house at kung ano man ang gusto nila ibibigay ko kasi isa naman iyon sa mga dahilan kung bakit ko ginagawa ‘tong mga bagay na ito. Gusto ko mabigay kung ano ang gusto ng pamilya ko, especially my parents at siyempre ang gusto ko,” diretsang ibinahagi ng aktres sa panayam ng GMANetwork.com.

Bukas, Setyembre 8, matutupad na ang pangarap ni Kyline na magkaroon ng solo concert, ang “KYLINE TAKE FL16HT” na gaganapin sa SM Sky Dome.