EXCLUSIVES

Alden Richards, sino'ng mga iniidolo sa pagiging total performer?

By CHERRY SUN
Published On: September 18, 2018, 5:13 PM

Hindi ikinaila ni Alden Richards na nais niyang maging isang total performer lalo na para sa kanyang ‘Adrenaline Rush’ concert. Sino-sino nga kaya ang kanyang mga iniidolo? 

Hindi ikinaila ni Alden Richards na nais niyang maging isang total performer lalo na para sa kanyang ‘Adrenaline Rush’ concert. Sino-sino nga kaya ang kanyang mga iniidolo? 

Sambit ni Alden sa media conference ng kanyang concert, “Sarap po sana maging Gary V. May ganun eh, parang all-out performer po si Sir Gary. Kahit na with his age now, ‘yung performance po niya is unparallelled. Wala pa rin pong pumapantay.” 

Paliwanag din niya, “Minsan 'pag nanonood po ako ng concert, especially po when the performer is an all-out performer who sings and dances, nai-imagine ko po minsan ‘yung sarili ko eh. Parang ang sarap makagawa ng ganitong show. Like also po 'pag nanonood ako ng videos ng international stars like sina Justin Timberlake, sina Justin Bieber, ang sarap po na they’re doing something na they love and yet napaka-grand, napakasarap sa feeling. Sana po ganun po ‘yung ma-achieve ko sa concert na ‘to.” 

Tulad ng kanyang mga tinitingala, game din daw si Alden na mag-concert hanggang sa kanyang pagtanda. 

“Ako naman whenever I’m given a certain task, no matter what the circumstances ang dumating sa akin, I see to it na I will work my heart out to make it good and to deliver po para hindi po mapahiya ‘yung mga taong naniniwala po sa akin,” aniya.

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->