EXCLUSIVES

READ: Alden Richards, kumusta katrabaho ayon sa Ex Battalion?

By Cherry Sun
Published On: September 19, 2018, 6:00 PM

Sa unang pagkakataon ay magsasama sa iisang entablado si Alden Richards at ang viral hip-hop group na Ex Battalion para sa 'Adrenaline Rush.' Hindi pa man nagaganap ang concert, puro papuri na ang nasabi nila tungkol sa Pambansang Bae. 

Sa unang pagkakataon ay magsasama sa iisang entablado si Alden Richards at ang viral hip-hop group na Ex-Battalion para sa 'Adrenaline Rush.' Hindi pa man nagaganap ang concert, puro papuri na ang nasabi nila tungkol sa Pambansang Bae. 

Naka-collaborate na ng Ex-Battalion si Alden para sa “Superhero Mo,”  ang original theme song ng Victor Magtanggol kung saan bida ang Kapuso actor at napapanood din ang ilang miyembro ng hip-hop group. Nakasama na rin nila sa Spotlight Music Sessions ang Pambansang Bae ngunit unang beses daw nila siya makakasama sa harap ng live audience na magpupuno ng Kia Theater sa gabi ng ‘Adrenaline Rush’ concert.

Masaya raw ang grupo na makatrabaho si Alden.

Paliwanag ni Flow G, “Nung kami magko-concert, parang gusto namin si Alden ang maging guest sa concert namin pero hindi available ‘yung schedule ni Alden nun. Parang naging bawi, sa concert niya na lang daw kami ang dadalhin niya.”

“Super overwhelming ‘yung maka-share ‘yung stage with Alden. Hindi lang dahil part tayo ng Victor [Magtanggol] but kasi iba, Alden Richards na ‘yan eh,” dagdag naman ni King Badger.

Bigay diin din nila, nagulat sila sa simpleng pakikisama ni Alden.

“He’s very humble. Actually, nakakalaro namin siya kahit sa Mobile Legends. Ganun siya ka-humble. Hindi namin na-expect na si Alden nga na sobrang sikat na, makakalaro namin sa Mobile Legends, ‘yung makakausap namin na parang tropa lang,” ani King Badger.

“Sobrang kalog, napakapalabiro niya. Hindi ka maiilang na biruin siya kasi nakikipagbiruan talaga siya,” wika rin ni Brando.

Ang Ex Battalion ay isa lamang sa special guests ni Alden na kanyang makakasama sa ‘Adrenaline Rush’ na magaganap sa Kia Theater ngayong Biyernes, September 21. 

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->