EXCLUSIVE: Alden Richards, ibinahagi ang dapat abangan sa 'Adrenaline Rush' | GMANetwork.com - Records - Articles

Alden Richards, kapana-panabik ang performances na inihahanda para sa kanyang second major concert na Adrenaline Rush.

EXCLUSIVE: Alden Richards, ibinahagi ang dapat abangan sa 'Adrenaline Rush'

By CHERRY SUN

Sinisiguro ni Alden Richards na magkahalong saya, kaba, at excitement ang maramdaman ng mga manonood ng nalalapit niyang second major concert titled Adrenaline Rush.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ni Pambansang Bae Alden na unti-unti nang nagkakatotoo ang vision niya para sa Adrenaline Rush.

Nais daw niyang maipakita sa kanyang mga tagasuporta ang de-kalibreng performances.

Ito ay sa kabila nang mahigpit niyang schedule dahil sa pagsabay nito sa kanyang taping para saVictor Magtanggol.

Aniya, “Na-relax ako. Sobrang tensed ko pagpasok ng September, wala pa akong vision, wala pa akong visual.

“Hindi ko pa siya ma-imagine kung ano'ng magiging itsura nung concert, so medyo may struggle na ganun.

“But ngayon, since nararamdaman ko na siya basically, okay na. Maganda na 'yung progress.

“Konti na lang, konting dance na lang. 'Tsaka actually halos all of the songs are already rehearsed so wala na problema.”

Diin din niya, “We want them to feel the rush, from the title itself of the show.

“We don't want to parang float away from the idea na what they're going to see is something that will really kick their adrenaline eh.”

Nagpapasalamat si Alden sa bigating line-up ng kanyang guest performers, na dapat abangan sa kanyang concert.

Ilan sa mga makakasama niya rito ay sina Regine Velasquez, Ai-Ai delas Alas, Rodjun Cruz, Betong Sumaya, One Up at Ex-Battalion.

Sabi niya, “It's really big for me if someone really makes time especially Ms. Regine and Ms. Ai-Ai na mag-guest sa show ko, sa concert ko.

“Kasi, syempre, very busy na sila and parang nabigyan pa nila ako ng spare time to perform with me, so I'm very happy with the outcome of the guests.”

Kaabang-abang din daw ang segments ng Adrenaline Rush.

Aawitin ni Alden ang kanyang mga bagong kanta mula sa kanyang upcoming album sa GMA Records at pati na rin ang kanyang lumang hit songs at ilang revivals.

Paliwanag niya, “Mga pinapakinggan ko before, mga naaangkop sa theme nung segment kasi there are different segments of the show.

"So may theme siya, so siyempre, we chose songs na okay, na aangkop siya doon sa tema nung segment.”

Pero higit sa lahat, ang pinakakapana-kapanabik para sa Pambansang Bae ay ang isang bagay na unang beses palang niyang gagawin sa Adrenaline Rush concert.

“Hindi ko pa 'to nagawa, promise, especially the opening parts hindi ko pa nagawa... I'm really looking forward for the opening. 'Yun 'yung dapat nilang abangan,” sabi niya.