Roxanne Miranda's 'Halaga,' available na for download and streaming | GMANetwork.com - Records - Articles

Maaari nang ma-download at ma-stream ang original ng singer-songwriter na si Roxanne Miranda na kabilang sa GMA Records family.

Roxanne Miranda's "Halaga," available na for download and streaming

By CHERRY SUN

Maaari nang ma-download at ma-stream ang original ng singer-songwriter na si Roxanne Miranda na kabilang sa GMA Records family.

Si Roxanne ay may Bachelor’s degree sa Music Production mula sa De La Salle College of St. Benilde, School of Design and Arts. Nauna na niyang i-release ang kanyang debut single na “Hingang Malalim” under GMA Records.

Siya’y muling nagbabalik para naman sa kanyang single na “Halaga.” Ang kanyang naturang original ay available sa Apple Music, iTunes at Spotify.