EXCLUSIVES

WATCH: Golden Cañedo, nakaka-relate sa lyrics ng "Ngayon" ni Basil Valdez

By Marah Ruiz
Published On: December 13, 2018, 4:50 PM

Panoorin ang unang performance ni Golden Cañedo sa 'Spotlight Music Sessions.'

Ang kantang "Ngayon" na orihinal na awit ni Basil Valdez ang napiling kantahin ni Golden Cañedo sa finals ng singing competition na The Clash kung saan itinanghal siya bilang grand champion.

 

Gustung gusto daw niya ang kantang ito dahil sa mensaheng ipinapahiwatig nito.

"Gusto ko po siya kasi nakaka-relate po ako sa lyrics. Pinapahiwatig ng kanta na bata pa ko, na magsikap ako, kaya 'yun po 'yung kinanta ko sa grand finals," bahagi niya sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Ito rin ang napili niyang kantahin sa kanyang unang performance sa Spotlight Music Sessions.

Panoorin ang kanyang full performance:

 

Ang "Ngayon" ang unang single ni Golden. Ini-release ito noong November 23 at maaaring mapakinggan at i-download mula sa iTunes, Spotify at iba pang digital music stores.

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->