WATCH: Josh Adornado, hadlang ang pagiging 'perfectionist' sa pagsusulat ng kanta? | GMANetwork.com - Music - Articles

Ibinahagi ni Josh Adornado sa online music show na Spotlight Music Sessions na nakapagsulat lang siya ng kanta dahil isa itong "requirement." Read more.

WATCH: Josh Adornado, hadlang ang pagiging 'perfectionist' sa pagsusulat ng kanta?

By MARAH RUIZ

Isang beses pa lang daw nakapagsulat ng kanta si Kapuso singer Josh Adornado. 

 

Josh Adornado
Josh Adornado

 

Ibinahagi niya sa isang video interview sa online music show na Spotlight Music Sessions na nakapagsulat lang siya ng kanta dahil isa itong "requirement."

"I've only written a song once. One time pa lang talaga. When I was in high school sumali kami ng band competition. 'Yung vocalist dapat 'yung gumawa ng lyrics," kuwento niya.

Sa tingin daw niya, nahihirapan siyang sumulat ng kanta dahil isa siyang perfectionist. 

"Siguro one of these days, I'm open to doing that. Perfectionist kasi ako. Kapag nakita kong hindi naman [maayos] 'to, wag na lang! Sobrang perfectionist po ako," aniya. 

Panoorin ang buong interview ni Josh, kasama si Miriam Manalo sa Spotlight Music Sessions: