EXCLUSIVE: Golden Cañedo, pinaghuhusayan ang pagkanta dahil kay Vehnee Saturno | GMANetwork.com - Music - Articles

Privileged ang pakiramdam ni Golden Cañedo dahil ang acclaimed na composer na si Vehnee Saturno ang nagsulat ng kanyang bagong kantang “More Than Before.”

EXCLUSIVE: Golden Cañedo, pinaghuhusayan ang pagkanta dahil kay Vehnee Saturno

By CHERRY SUN

Privileged ang pakiramdam ni Golden Cañedo dahil ang acclaimed na composer na si Vehnee Saturno ang nagsulat ng kanyang bagong kantang “More Than Before.” Aniya, dahil din dito kaya pinag-iigihan pa niya lalo ang kanyang performances.

 

Golden Cañedo
Golden Cañedo


WATCH: Golden Cañedo performs "More Than Before" live on pilot episode of 'The Golden Voice'

Si Vehnee raw mismo ang nag-assist kay Golden sa kanyang pag-record ng “More Than Before.”

Kuwento niya sa exclusive interview ng GMANetwork.com, “Nung una kasi speechless ka kasi Sir Vehnee. Habang tumatagal, [pansin ‘yung] hard work and focused po talaga siya sa kanta. Then 'pag tapos na ‘yung kanta, nakakuwentuhan ko po siya.”

Mataas ang pagtanaw ng batang Kapuso singer sa beteranong composer kaya sinisigurado niyang mabibigyan niya ng hustisya ang interpretasyon ng kanta nito.
 

Sambit ni Golden, “Si Sir Vehnee ang isa sa pinakasikat na composer po rito sa Philippines so sobrang saya ko po talaga kasi bihira lang ‘yung [pagkakataon na] makakanta ng mga ginagawa niya na kanta.

“Pinaghuhusayan ko talaga sa ibinigay na kanta niya. Para sa akin kasi sobrang ganda and gusto ko pa po siyang ibahagi sa lahat,” patuloy niya.