Renz Verano to release album for millennials as he inks deal with GMA Music | GMANetwork.com - Music - Articles

Renz Verano tries different sound in upcoming album but assures fans, “Nandoon pa rin 'yung garalgal na hinahanap nila.”

Renz Verano to release album for millennials as he inks deal with GMA Music

By MARAH RUIZ

Pumirma ang veteran singer na si Renz Verano ng isang distribution deal sa GMA Music para sa kanyang upcoming album. 

 

Renz Verano
Renz Verano

 

Espesyal daw ang upcoming album dahil ito ang nagsilbing reunion project nila ni Sonny Ilacad, ang tao sa likod ng kanyang past hits tulad ng "Remember Me" at marami pang iba. 

"Ito ang pagbabalik namin ni Boss Sonny Ilacad.

“Si Boss Sonny Ilacad ang unang-unang nagpasikat sa akin sa mga una kong hits.

“'Remember Me,' Ibang iba Ka Na,' Sa 'Yo Lang,' 'You and I,' halos lahat ng hits ko galing kay boss Sonny Ilacad.

“Siya ang nagturo sa akin lahat—kung paano ang recording, paano kumatna. Ito ang aming pagbabalik na magkasama ulit," pahayag ni Renz. 

Bukod dito, makaka-relate daw ang millennials sa mga awit sa album lalo na at sumubok sila ng bagong tunog. 

"'Yung tema namin, halos pareho lang pero 'yung kind of arrangement saka 'yung atake namin doon sa music medyo pang millennial 'yan.

“'Yan ang kakaiba rito kasi kailangan sumabay ako sa mga bago.

“Medyo luma na 'ko kaya 'yung areglo na ginawa ni Boss Sonny dito, 'yung treatment niya, medyo nababagay sa mga bagong tunog ngayon," paliwanag ng singer. 

Gayunman, nandoon pa rin daw ang boses na tumatak sa mga nakikinig sa kanya simula noon. 

"Nandoon pa rin 'yung Renz Verano noon. Nandoon pa rin 'yung garalgal na hinahanap nila. Pero 'yung areglo, 'yung treament noong kanta, medyo kakaiba," aniya. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Renz Verano signs a distribution contract GMA Music! ????

A post shared by GMA Music (@gmamusicofficial) on


Masaya rin daw siya na mapabilang sa GMA Music.

"Nagpapasalamat ako na pinagbigyan ako ng GMA Music. Sana magiging maganda itong relasyon namin at sana magkaroon din tayo ng magandang hit," pagtatapos niya.

Nangyari ang pirmahan sa pagitan ni Renz at ng GMA Music kanina, July 10, sa headquarters ng GMA Music sa Quezon City.