EXCLUSIVE: Golden Cañedo launches 'More than Before' music video | GMANetwork.com - Music - Articles

Opisyal nang ni-launch ang music video ni Golden Cañedo para sa kanyang bagong single na "More Than Before" under GMA Music.

EXCLUSIVE: Golden Cañedo launches "More than Before" music video

By MAINE AQUINO

Ngayong July 24, ipinakita na ang music video para sa bagong single ni Golden Cañedo under GMA Music.

 

Golden Cañedo
Golden Cañedo

 


Simula 4:00 p.m., ang "More Than Before" music video ay opisyal nang mapapanood at excited na si Golden na makita ito ng kanyang mga supporters. Ito ay kanyang ni-launch sa isang event kung saan inikot ni Golden ang iba't ibang parte ng Manila kasama ang mga entertainment bloggers sa Hotel on Wheels, isang luxury bus na may flat screen at videoke. 

Kuwento ni Golden sa isang exclusive interview with GMANetwork.com, masaya siya dahil nakagawa na siya ng dalawang music video simula nang manalo siya sa The Clash. 

"Sobrang saya ko po kasi second na po na music video ko and hopefully mas marami pa po na ma-shoot ako na music videos in the future."

Excited din si Golden na mapapanood na ng kanyang mga supporters ang kanyang music video sa kantang isinulat ni Vehnee Saturno. Saad ng talented Kapuso singer, "Sobrang excited po ako kasi maipapalabas na po ang music video ko."

Bago pa man sila umikot sa Manila, ibinahagi na ni Golden ang kanyang excitement sa kanilang papasyalan.

"Excited po ako sa Intramuros po kasi hindi pa po ako nakakapunta doon, and sa Fort Santiago po. Sa Luneta po nakapunta na ako one time, pero hindi po ako nakapagtagal doon. Excited na po ako puntahan ang lahat ng 'yun."

Panoorin ang "More than Before" music video ni Golden: