Garrett Bolden, full support sa XOXO | GMANetwork.com - Music - Articles

Nakasabay ni Garrett Bolden sa season 1 ng ‘The Clash’ sina Riel Lomadilla, Dani Ozaraga, Lyra Micolob at Mel Caluag na bumubuo ng Kapuso girl group na XOXO.

Garrett Bolden, full support sa XOXO

By CHERRY SUN

Nagpahayag ng pagbati at suporta ang GMA Music artist na si Garrett Bolden sa kanyang kapwa Kapuso talents at kasabayan sa The Clash na ngayo’y bahagi ng girl group na XOXO.

 

 

Nitong September 10 naganap ang worldwide digital release ng debut single ng XOXO na nakapangalan din sa grupo.

Maraming natanggap na papuri ang Kapuso girl group at patuloy pa ang dagsa ng suporta para sa kanila.

Kabilang sa nagpaabot ng kanyang pagbati ay si Garrett na nakasama nina Riel Lomadilla, Dani Ozaraga, Lyra Micolob at Mel Caluag sa season 1 ng The Clash.

Mensahe ni Garrett, “Proud of You 4!!! we all have our walks in this industry and I am PROUD that you 4 are taking the high roads!  You are finally getting the break that you deserve. Keep Shining!!”

 

SING ALONG: XOXO’s lyric video for “XOXO”

WATCH AND JOIN: “XOXO” dance challenge