Kakaibang Hannah Precillas sa bagong GMA Music single | GMANetwork.com - Music - Articles

Makikilala na ng listeners ang kakaibang side ng Kapuso OST Princess na si Hannah Precillas sa kaniyang pinakabagong single na “Sabi Ko Na Nga Ba” sa ilalim ng GMA Music.

Kakaibang Hannah Precillas sa bagong GMA Music single

Makikilala na ng listeners ang kakaibang side ng Kapuso OST Princess na si Hannah Precillas sa kaniyang pinakabagong single na “Sabi Ko Na Nga Ba” sa ilalim ng GMA Music.

 

 

Sa kantang isinulat ni Jerry Olaguer ay masusubukan ni Hannah ang upbeat at novelty na genre. Patungkol ito sa isang tao na hindi masabi ang tunay na nararamdaman sa minamahal.

“This song is telling us that whenever we have something that should be told, take the opportunity to tell that person when you still have the chance. Because one of the hardest things in life is not doing or saying have any chance to go back and do what you shouldwhat you really want at the moment and regret about it in the future where you don’t’ve done,” kuwento ni Hannah.

Dagdag pa niya, nakaka-relate siya sa kanta at may mensahe siyang gustong iparating gamit ito. Nais niyang paalalahanan ang mga tagapakinig na wag palampasin ang mga pagkakataong mayroon sila para ipadama ang kanilang pagmamahal sa mga taong iniibig.

Simula Setyembre 24, available na ang “Sabi Ko Na Nga Ba” sa Spotify, Apple Music, YouTube Music, at iba pang digital platforms worldwide