EXCLUSIVES

Jeremiah Tiangco

EXCLUSIVE: Debut single ni Jeremiah Tiangco na 'Titulo,' sulat nina Vehnee Saturno, Ebe Dancel, at ibang top OPM songwriters

By Cherry Sun
Published On: October 21, 2020, 6:29 PM

Hindi raw makapaniwala si Jeremiah Tiangco na mga bigating songwriters at music producers ang nagsulat ng kanyang debut single na "Titulo."

Magkahalong kaba at saya ang naramdaman ni Jeremiah Tiangco nang ipagkaloob sa kanya bilang debut single ang “Titulo,” isang orihinal na komposisyon ng naglalakihang OPM songwriters at music producers.

 

Jeremiah Tiangco

 

Nitong October 15 ay ni-release ni Jeremiah ang kanyang kauna-unahang kanta bilang isang GMA Music artist. Ang “Titulo” ay obra nina Vehnee Saturno, Ebe Dancel, Jungee Marcelo, at Top Suzara.

Kuwento niya tungkol dito, “Sobrang malapit po siya sa puso ko. Sobrang nakakakaba at the same time kasi nga, ‘yun nga, malalaking composers po and music producers po ‘yung gumawa nitong music. Nakakakaba at the same time nakaka-excite kasi siyempre first ever single ko po ito under GMA Music kaya sobrang happy po ako.”

Pag-amin din niya, nais niyang gumawa ng pangalang bilang isang soul singer.

Bahagi ni Jeremiah, “Biggest dream ko po is tawagin as a soul singer po, soul singer dito sa Philippines kasi konti palang at wala pa po masyadong nadi-discover na soul singer dito sa Philippines… ’Yun po ‘yung gusto kong maging title ko balang araw.”

Nagsimula ang showbiz career ni Jeremiah bilang isang Kapuso nang siya ang tanghaling The Clash season 2 grand champion.

CONTENT YOU MIGHT LIKE

-->