Papa Bol, Papa Ding, humataw sa 'Goin' Crazy' dance challenge | GMANetwork.com - Music - Articles

Kaya n'yo din bang tapatan ang paghataw nina Papa Bol at Papa Ding, mga Kabarangay?

Papa Bol, Papa Ding, humataw sa 'Goin' Crazy' dance challenge

By AEDRIANNE ACAR

Mapapa-indak talaga ang sino man sa bagong single ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards na 'Goin’ Crazy.’

 

 

Papa Ding at Papa Bol humataw sa kanta na Goin Crazy

Ang naturang kanta ay ni-release ng Kapuso actor and endorser noong December 2020 sa mismong 10th anniversary concert niya na ‘Alden’s Reality.’

Ngayon, marami na pati ang mga celebrities ang game na humataw at kumasa sa ‘Goin’ Crazy’ dance cover challenge.

Kahit mismo ang paborito ninyong Barangay LS radio hosts na sina Papa Bol at Papa Ding napasayaw na din sa viral song na ito ni Alden.

@barangayls971

Goin' Crazy na rin si @papadingls at @papabolls dito sa Barangay LS! ???? #GoinCrazyDanceChallenge

? original sound - Barangay LS 97.1

 

Ilan sa mga Kapuso personality din ang may sarili nilang ‘Goin’ Crazy’ dance cover tulad nina Sofia Pablo, Allen Ansay at Althea Ablan.

Kahit ang dance group na Manoeuvres, game na game na humataw sa kantang ito ni Alden Richards!

Kilalanin pa nang husto ang record-breaking GMA Music artist na si Alden Richards sa gallery below.