Jeremiah Tiangco, may napapanahong hugot song | GMANetwork.com - Music - Articles

Napapanahon ang panibagong awitin na ilalabas ng Kapuso performer at The Clash Season 2 Grand Champion na si Jeremiah Tiangco na pinamagatang ‘Sa Tuwing Umuulan’ sa ilalim ng GMA Music.

Jeremiah Tiangco, may napapanahong hugot song

Swak na swak sa panahon ang panibagong awitin na ilalabas ng Kapuso performer at The Clash Season 2 Grand Champion na si Jeremiah Tiangco na pinamagatang ‘Sa Tuwing Umuulan’ sa ilalim ng GMA Music.

 

 

Ang kantang ito na isinulat ni Arnie Mendaros ay tungkol sa isang lalaking binabalikan ang malulungkot niyang alaala at nasawing pag-ibig.

Ayon kay Jeremiah, madamdamin ang kuwento sa likod ng awitin, “It’s all about the memories shared by lovers, parang ‘yung rain ang nag-represent sa memories nila together.”

Dagdag pa niya, kakaiba ito sa nauna na niyang inilabas, “Sa Tuwing Umuulan will show more of my R&B and Soul Singer side. It’s another solid Hugot song.”

 

 

Simula Hulyo 25, mapapakinggan na ang ‘Sa Tuwing Umuulan’ sa Spotify, YouTube Music, Apple Music, at iba pang digital platforms worldwide.

Para sa latest news tungkol sa paborito ninyong Kapuso shows at artists, bisitahin lang ang GMANetwork.com.