Bianca Umali, paano mag-let go ng pag-ibig? | GMANetwork.com - Music - Articles

Sa isang Kapuso Brigade Zoomustahan, ibinahagi ni Bianca Umali ang kaniyang paraan ng pag-let go pati na rin ang inspirasyon sa bago niyang single na "Itigil Mo Na."

Bianca Umali, paano mag-let go ng pag-ibig?

By BIANCA GELI

Sa nakaraang Kapuso Brigade Zoomustahan noong September 30, ibinahagi ni Bianca Umali sa mga Kapuso fans ang inspirasyon sa kaniyang latest single na "Itigil Mo Na" under GMA Music.

Aniya, "This song was written and composed by Direk Njel de Mesa. Nung tinanong din siya, he said he really wrote the song for me. Nakakatuwa kasi bago iparining sa akin itong song ito, nagkaroon kami ng time na magkakilala ni Direk Njel and alam niya 'yung kwento ko and maybe that's what inspired him to write this song.

Naging hamon din kay Bianca na magbalik sa recording matapos maging abala sa Legal Wives bilang Farrah.

"Definitely challenging, hindi na maalis 'yun sa lahat ng ginagawa ko. But recording this song was a fun experience, kahit may pandemic hindi 'yun naging hadlang sa pagbuo ng kanta na ito. We were able to record smoothly and finish the song. I'm happy na nailabas na namin itong kanta."

Ibinahagi rin ni Bianca ang mga sitwasyon kung saan siya na mismo ang magsasabi ng mga katagang "itigil mo na" sa isang tao.

Saad ni Bianca, "It can be two situations, if I love someone too much and I can't let go. Ako na magsasabi na sana itigil mo na lang. BItawan mo na ako para lumaya na ako.”

"The second situation na masasabi kong itigil mo na, siguro kung merong nagbibigay ng sobra sobra pero feeling ko masasaktan ko lang, sasabihin ko na itigil mo na kasi ayaw kong makasakit," dagdag pa niya.

Labis namang natuwa ang mga fans ni Bianca sa Kapuso Brigade, isa sa mga fans ni Bianca na nagngangalang Mary Rose ang biglang naiyak ng makausap si Bianca sa Kapuso Brigade Zoomustahan.

Matapos mag-debut ng "Itigil Mo Na" sa #4 spot ng iTunes Philippines Pop Charts, umaasa si Bianca na magtuloy-tuloy ang kaniyang singing career sa GMA Music.

"Hopefully an album maybe, 'yan din ang inaabangan ko. I would love to continue pursuing music, lalo na ngayong I'm on my second single. Excited ako ng kumanta pa," saad pa niya.

Inilabas ni Bianca ang kanyang unang single na "Kahit Kailan" noong March 2020 sa ilalim ng GMA Music.

Panoorin ang recording video ng "Itigil Mo Na" dito:

 

 

 

Samantala, tingnan ang stylish streetwear looks ni Bianca Umali sa gallery na ito: