Princess Velasco thanks fans for supporting her new single, 'Ang Ating Pag-ibig' | GMANetwork.com - Music - Articles

Aminado si Princess Velasco na nagulat siya sa mainit na pagtanggap ng tao sa kanyang bagong single. "Hindi ko akalain! Thank you so much to everyone."

Princess Velasco thanks fans for supporting her new single, 'Ang Ating Pag-ibig'

By AIMEE ANOC

Hindi makapaniwala si OPM Acoustic Princess at GMA Music artist Princess Velasco sa umaapaw na suportang natatanggap para sa bagong kanta, "Ang Ating Pag-ibig."

Matapos na mailabas noong November 19 ang bagong kanta ni Princess, agad itong pumangatlo sa iTunes charts.

"Hindi ko akalain! Thank you so much to everyone who downloaded my new original song from iTunes," pasasalamat ni Princess.

 

 

Sa "Ang Ating Pag-ibig," nais na ibahagi ni Princess ang sayang naramdaman noong una itong kantahin ng asawang si Mark Herbert Rosario sa kanilang kasal, na siya ring sumalat ng kanta noong 2013.

Ayon kay Princess, ang kanta ay para sa lahat ng taong umiibig. "It's about love, about finding the person that you've been praying for. A promise to stay with that person despite anything that the world throws your way."

Patuloy na mapapakinggan ang "Ang Ating Pag-ibig" sa lahat ng digital music streaming platforms.

Samantala, mas kilalanin pa si OPM Acoutis Princess at GMA Music artist Princess Velasco sa gallery na ito: