Hannah Precillas, nagpapasalamat sa patuloy na pagsuporta ng fans sa kanyang music career | GMANetwork.com - Music - Articles

Available ang bagong kanta ni Hannah Precillas, ang "Sadly Falling," sa lahat ng digital music platforms worldwide.  

Hannah Precillas, nagpapasalamat sa patuloy na pagsuporta ng fans sa kanyang music career

By AIMEE ANOC

Labis ang pasasalamat ni Kapuso OST Princess Hannah Precillas sa mainit na pagsuporta ng fans sa bago niyang kanta, ang "Sadly Falling," na agad na napasama sa iTunes Philippines chart at Spotify New Music Friday Playlist.

Sa isang press interview, inamin ni Hannah na naging emosyonal siya noon nang malamang naririyan pa rin ang kanyang mga tagahanga at patuloy siyang sinusuportahan kahit na hindi madalas na lumalabas sa telebisyon. 

 

Hannah Precillas

 

"Sobrang saya ko noong mabalitaan ko 'yun and I've always been grateful sa mga fans ko na kahit ilang taon akong hindi nila ako palaging napapanood sa tv nandyan pa rin sila, hindi sila nawala," kuwento ni Hannah.

Dagdag niya, "Kaya may time na nag-celebrate yata sila ng pang-ilang years naiyak ako kasi akala ko rati ang iniisip ko na kapag hindi na ako masyadong lumalabas sa tv, hindi na ako napapanood masyado akala ko rin mawawala sila. Pero still ngayon na nagpe-perform na ulit ako sa All-Out Sundays nandyan pa rin pala sila hanggang ngayon. Hindi pala sila nawala."

Noong March 25 nang ilabas ang bagong kanta ni Hannah, ang "Sadly Falling," na tungkol sa isang relasyon na na-"fall out of love."

 

 

 

Patuloy na mapapakinggan ang "Sadly Falling" sa lahat ng digital music platforms worldwide.

Samantala, mas kilalanin pa si Kapuso OST Princess Hannah Precillas sa gallery na ito: