Pambansang Wedding Proposal Naganap sa Sunday All Stars

Wala na sigurong mas hihigit pa sa kilig factor ng pagluhod ng lalaki para hingiin ang kamay ng kanyang minamahal. Pero paano kung napanood ito live ng buong Pilipinas? Sa “Sunday All Stars” noong June 23, nagpasiklaban ang teams ng kani-kanilang production numbers na may temang “I Do”. Nang marinig pa lang ang tema, napuno na agad ng hiyawan ang studio; kanya-kanya ang fans sa pagsuporta sa kanilang paboritong love teams. Ngunit may mas matinding pasabog ang “Tropang Trending” na pinangungunahan ni Mark Bautista; may naimbitahan ang grupo na isang real-life couple at nagulat na lang ang lahat ng manonood sa proposal na naganap onstage!

Nagsimula ang usap-usapan tungkol sa production number ng Team Mark nang may kumalat na post sa Facebook galing sa isang fan page kung saan umano ay naghahanap si Mark Bautista ng binatang handa nang mag-propose sa kanyang girlfriend.






















Nadagdagan lalo ang excitement ng Kapuso Netizens nang magtweet ang kanilang idolo na may inihanda ang kanyang grupo na first time mapapanood sa isang variety show.


Nagbigay man ng mga patikim ang Tropang Trending tungkol sa kanilang production number, walang naka hula sa pasabog ng grupo. Sa gitna ng kanilang performance ay nagulat na lang ang audience nang biglang magsalita si Team Leader Mark. “Dahil ‘I Do’ ang tema natin ngayon and our performances are about love, naghanap kami ng isang lalaki na may importanteng sasabihin sa minamahal niya,” ang paglahad ng singer. Umakyat ng entablado ang isang lalaki at may proposal na naganap na napanood live sa buong Pilipinas.




























Lubos na ikinatuwa ng mga manonood ang wedding proposal na kanilang nasaksihan at ang iba ay napaluha pa kasabay ng newly-engaged couple.






















Pati ang mga stars ay nakisali sa online buzz tungkol sa surpresa ng Team Mark.
Lubos naman na nagpasalamat si Mark Bautista sa lalaking pumayag na ibahagi sa madla ang kanyang wedding proposal moment.
Tama nga ang sabi nila, true love gives you courage. Congratulations sa Sunday All Stars lovebirds! Makibalita sa updates ng programa sa Facebook https://www.facebook.com/SundayAllStars at sa Twitter https://twitter.com/7SundayAllStars. Follow GMA Network sa Instagram http://instagram.com/gmanetwork para sa exclusive behind-the-scenes photos ng inyong paboritong Kapuso artists. - Kitin Rae, GMA Social Media Specialist