Sabay sa huling linggo ng International Thyroid Awareness Week ang apela sa GMA Kapuso Foundation ng isang dalagang nakilala namin mula sa San Jacinto, Pangasinan. Mayroon kasi siyang hyperthyriodism na 'di niya naipapa-konsulta dahil salat sa pera. Alamin natin ang mga sintomas ng hyperthyroidism at kung paano ang gamutan nito.
advertisement
advertisement

'Di pa man lubos na nakakabangon sa hagupit ng Super Typhoon Pepito noong nakaraang taon… heto’t tinamaan naman ang Catanduanes ng Super Bagyong Uwan. Kaya’t karamihan sa kanila problema ang masisilungan at mga gamit sa hanapbuhay. Agad nagtungo ang GMA Kapuso Foundation para maghatid ng tulong sa 5 bayan doon. Read more

Tuwing papalapit ang pasko lalong ramdam na ramdam ang diwa ng pagmamahal at pagbibigayan. Bakit hindi isabay 'yan sa pamimili ng regalo? Maraming mura at dekalidad sa Noel Bazaar na bubuksan sa Okada, Manila na layong tumulong sa sektor ng edukasyon. Nasa 100 merchants ang naghihintay roon at puwede ring mag-feel like a star sa "Celebrity Ukay-Ukay" ng GMA Kapuso Foundation. Read more

Tuloy-tuloy pa rin ang isinasagawang Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation para sa mga nasalanta ng Bagyong #UwanPH. Read more

Sa kabila ng pananalasa ng Bagyong Uwan, mabilis na kumilos ang inyong GMA Kapuso Foundation para maghatid ng agarang tulong sa mga apektado. Sa araw na ito, nakapagbigay tayo ng relief goods sa 20,000 indibidwal mula sa Cagayan, Northern Samar, at Camarines Sur sa ilalim ng ating Operation Bayanihan. Read more

Pinadapang mga bahay at apektadong kabuhayan ang naging epekto ng Bagyong Tino sa Silago, Southern Leyte. Problema tuloy ang pagkukunan ng pangangailangan. Kaya naman agad na naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation Read more

Hindi pa man lubos na nakabangon mula sa pinsalang dulot ng lindol panibagong pagsubok naman ang kinakaharap ng mga kababayan natin sa Cebu matapos manalasa ang Bagyong Tino. Sa kabila ng unos handa namang umagapay ang Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation para sa mga apektadong residente. Read more
Relief goods para sa mga binagyo sa Cebu, S. Leyte, at E. Samar, inihahanda na ng GMAKF. Read more

Mga Kapuso, parating na ang tulong ng GMA Kapuso Foundation sa mga lugar na matinding hinagupit ng Bagyong #TinoPH. Read more

Wala pong bitawan ang pagtulong ng GMA Kapuso Foundation sa mga naapektuhan ng lindol sa Cebu at Davao Oriental. Kabilang diyan ang pagkasa natin ng Sagip-Dugtong Buhay Bloodletting Project para tugunan ang kakulangan ng supply ng dugo sa mga ospital sa mga lugar na nilindol. Taos puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng sponsors, donors, partners, at volunteers na nakiisa sa aming proyekto. Read more

Sa muling pagbuga ng abo ng Bulkang Taal nitong linggo, muling naalarma ang mga taga-Agoncillo, Batangas dahil sa ibinuga nitong asupre. Para maagapan ang posibleng epekto nito sa kalusugan, agad na namahagi ang GMA Kapuso Foundation ng face masks at vitamins. Read more

Sa pananalasa ng Bagyong Kristine noong nakaraang taon, kabilang ang bayan ng Minalabac sa Camarines Sur sa lubhang naapektuhan. Dahil sa bagsik ng bagyo, nawasak ang ilang silid aralan sa Malitbog Elementary School. Kaya naman magpapatayo ang GMA Kapuso Foundation ng bago at matibay na Kapuso classrooms. Read more

Demonstrating its commitment to public service and embodying the spirit of bayanihan, GMA Network held the Kapuso Bloodletting Day on October 24. Read more

Sa tuwing binabagyo, laging nalulubog sa baha ang Malitbog Elementary School sa Minalabac, Camarines Sur. Dahil unti-unting nasira ang kanilang mga silid, hiling ng paaralan na mabigyan sila ng matitibay at ligtas na classroom. 'Yan ang tutugunan ng Kapuso School Development Project ng GMA Kapuso Foundation. Read more

Matagumpay na nakalikom ng dugo para sa mga apektado ng nakaraaang mga lindol sa Cebu at Davao sa ginanap na Kapuso Bloodletting Day noong October 24. Ayon sa GMA Network, nakalikom na ng 118 blood bags as of 2:27 p.m. salamat sa mainit na suporta ng mga empleyado ng GMA Network. Ang Kapuso Bloodletting Day ay inorganisa ng GMA Network, Philippine Red Cross, at GMA Kapuso Foundation. Tugon ito sa kakulangan ng supply ng dugo sa mga ospital at medical facilities sa Cebu at Davao matapos tumama ang mga malalakas na lindol dito. Matatandaang nakaranas ng 6.9 magnitude earthquake noong September 30 sa Cebu, habang magkasunod na 7.4 at 6.8 magnitude earthquakes ang tumama sa Davao noong October 10. Silipin ang matagumpay na Kapuso Bloodletting Day dito: Read more

Sa gitna ng sunod-sunod na pagsubok sa ating bansa tulad ng mga bagyo, dama pa rin ang pagmamalasakit ng bawat isa. Patunay ang suporta niyo sa operation bayanihan ng GMA Kapuso Foundation kaya nakapaghatid tayo ng tulong sa mga binaha sa Capiz dahil sa Bagyong Ramil. Read more
advertisement

Para sa mga apektado ng lindol sa Cebu at Davao ang blood bags na nalikom sa Kapuso Bloodletting Day. Read more

Nagmistulang ilog ang ilang barangay sa Panitan, Capiz dahil sa hagupit ng nagdaang Bagyong Ramil. Ilang araw ding natigil ang kabuhayan ng mga residente roon. Upang maibsan ang kanilang hirap, agad na naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation. Read more

Sa murang edad, humaharap na sa matinding pagsubok ang mga batang tinutulungan ng Kapuso Cancer Champions Project ng GMA Kapuso Foundation. Ngayong papalapit na kapaskuhan, handog natin ang libreng chemotherapy sessions at iba pang mga regalo at surpresa. Sana’y patuloy po natin sila samahan at tulungan sa kanilang laban. Read more

Marami pa rin sa mga nilindol sa Cebu at Davao Oriental ang nasa evacuation center dahil nasira ng pagyanig ang kanilang bahay. Sa loob ng dalawang linggo, mahigit 50,000 indibidwal ang ating nahatiran ng tulong. Taos puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng tumulong na partners, sponsors at donors. Read more

Sa gitna ng kalamidad, lalong nangingibabaw ang diwa ng bayanihan. At dahil sa inyong pakikiisa at pagmamalasakit, patuloy na naihatid ng Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation ang tulong at pag-asa sa mga kababayan nating naaapektuhan ng lindol sa Dava Read more