What's Hot

Joe Torres: Tapos Na Ang Eleksyon (hay salamat!)

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 4, 2020 2:27 PM PHT
Natapos na rin ang eleksyon. Wala pa ring nagbago. Ano pa nga ba ang masasabi ko.
Natapos na rin ang eleksyon. Wala pa ring nagbago. Ano pa nga ba ang masasabi ko. Nasabi na yata lahat ng mga naglagay ng kanilang komento sa huli kong entry. (Nakakawala ng pagod ang plataporma ni Sunburn. Basahin nyo sa comments ng previous blog entry.) Nakakalungkot na nakakatawa ang mga nangyari nitong nakaraang halalan. Todo-bantay ang marami sa atin. Todo-bantay tayo para maiwasan ang karahasan. Todo-bantay tayo para walang dayaan. Pero gano’n pa rin ang resulta. Kung may dayaan man o wala, alam naman na ng lahat kung sino ang mananalo sa halalan. Syempre pa, mga pulitiko. Sila lang naman ang tumatakbo. Nakakatawang nakakaiyak, di po ba? Huwag lang tayong mawalan ng pag-asa. Darating din ang araw, sa pamamagitan ng ating pagsisipag at pagtitiyaga sa pagpapaunlad ng ating mga sarili, kaakibat sana ang pagtulong sa kapwa, magbabago rin ang mukha ng mundo. Saan man tayo naroroon, huwag nating kalimutan na ‘di lang tayo nabubuhay para sa ating mga sarili kundi para rin sana sa ating kapwa, kundi man para sa ating bansa. Sori, medyo napa-seryoso yata. Natapos na rin ang eleksyon. Pero gustuhin ko mang sabihin na makapagpahinga na rin tayo, alam kong hindi dapat tayo manahimik na lamang at pumikit, lalung-lalo na sa kasalukuyang kalagayan ng ating bayan. Para ngang relasyon ang eleksyon, nagsisimula sa ligawan, sa mga pangako, sa kasalan o pagsasama, pagbubuntis, hanggang minsan, kundi taos ang pag-iibigan, humahantong sa pagbobolahan, pagtataksil, hanggang sa minsan ay pagbubuntalan at pagbabatuhan ng kalan. Ayon sa mga survey, hindi lang dumadami ang mahirap, kundi nagugutom na ang maraming Filipino. Kaya nga naibabato na ang kalan dahil lagi na lang walang laman. Tapos na ang eleksyon! Dapat nga ba tayong magpapasalamat? Read more from Joe Torres
READ MORE ABOUT
joetorresblog
Related Videos

Around GMA

American sets up ‘apology desk’ during Trump visit to Scotland
Cebu students win in 2025 Korean filmfest via 'Seoul Sight'
GMA Logo
Entertainment

The official entertainment site of GMA Network

Get updates to the latest celebrity and showbiz news and on your favorite Kapuso shows.

By signing up, you agree to our Terms of Use and Privacy Policy

Article Inside Page


Showbiz News



Natapos na rin ang eleksyon. Wala pa ring nagbago. Ano pa nga ba ang masasabi ko.
Natapos na rin ang eleksyon. Wala pa ring nagbago. Ano pa nga ba ang masasabi ko. Nasabi na yata lahat ng mga naglagay ng kanilang komento sa huli kong entry. (Nakakawala ng pagod ang plataporma ni Sunburn. Basahin nyo sa comments ng previous blog entry.) Nakakalungkot na nakakatawa ang mga nangyari nitong nakaraang halalan. Todo-bantay ang marami sa atin. Todo-bantay tayo para maiwasan ang karahasan. Todo-bantay tayo para walang dayaan. Pero gano’n pa rin ang resulta. Kung may dayaan man o wala, alam naman na ng lahat kung sino ang mananalo sa halalan. Syempre pa, mga pulitiko. Sila lang naman ang tumatakbo. Nakakatawang nakakaiyak, di po ba? Huwag lang tayong mawalan ng pag-asa. Darating din ang araw, sa pamamagitan ng ating pagsisipag at pagtitiyaga sa pagpapaunlad ng ating mga sarili, kaakibat sana ang pagtulong sa kapwa, magbabago rin ang mukha ng mundo. Saan man tayo naroroon, huwag nating kalimutan na ‘di lang tayo nabubuhay para sa ating mga sarili kundi para rin sana sa ating kapwa, kundi man para sa ating bansa. Sori, medyo napa-seryoso yata. Natapos na rin ang eleksyon. Pero gustuhin ko mang sabihin na makapagpahinga na rin tayo, alam kong hindi dapat tayo manahimik na lamang at pumikit, lalung-lalo na sa kasalukuyang kalagayan ng ating bayan. Para ngang relasyon ang eleksyon, nagsisimula sa ligawan, sa mga pangako, sa kasalan o pagsasama, pagbubuntis, hanggang minsan, kundi taos ang pag-iibigan, humahantong sa pagbobolahan, pagtataksil, hanggang sa minsan ay pagbubuntalan at pagbabatuhan ng kalan. Ayon sa mga survey, hindi lang dumadami ang mahirap, kundi nagugutom na ang maraming Filipino. Kaya nga naibabato na ang kalan dahil lagi na lang walang laman. Tapos na ang eleksyon! Dapat nga ba tayong magpapasalamat? Read more from Joe Torres
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.