
Ngayong Father's Day, inalala ng Lilet Matias: Attorney-at-Law actress na si Jo Berry ang yumaong ama na si Perry Berry Sr.
Sa Instagram, isang sweet na photo ang ibinahagi ni Jo kasama ang ama. Ipinarating din ng aktres kung gaano nito kamahal ang yumaong ama.
"Happy Father's Day sa inyo d'yan sa heaven, Papa. I miss you. Mahal na mahal kita!" sulat ni Jo.
Dagdag ng aktres, "At sa lahat ng ama at nagpapakaama, Happy Father's Day po!"
Malapit si Jo sa ama nito na pumanaw noong 2021 dahil sa COVID-19. Ayon sa aktres, ang ama niya ang nag-engganyo sa kanyang ipagpatuloy ang showbiz bago ito mawala.
Samantala, bibida si Jo sa bagong afternoon series ng GMA na Lilet Matias: Attorney-at-Law. Sa legal drama series, makikilala siya bilang Lilet Matias, ang maliit ngunit mabagsik na abogada na may malaking pangarap para sa mga naaapi.
Makakasama ng aktres sa serye sina Joaquin Domagoso, Zonia Mejia, Hannah Arguelles, Sheryl Cruz, Glenda Garcia, Teresa Loyzaga, Jason Abalos, EA Guzman, at Ariel Villasanta.
BALIKAN ANG MGA HINDI MALILIMUTANG KARAKTER NI JO BERRY SA GALLERY NA ITO: