GMA Logo Jo Berry and her dad
Celebrity Life

Jo Berry pens heartfelt birthday message for late dad

By Jansen Ramos
Published November 28, 2021 3:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Can the Philippines turn motorcycles into a tourism engine?
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Jo Berry and her dad


"Mahal na mahal kita, Papa! Araw-araw kitang nami-miss," birthday greeting ng 'Little Princess' lead star na si Jo Berry sa kanyang ama.

Kahit abala sa taping para sa bago niyang serye na Little Princess, hindi nakalimot si Jo Berry na alalahanin ang kanyang yumaong ama sa kaarawan nito.

Sa kanyang Instagram account noong November 28, ibinahagi ng aktres ang kanyang birthday greeting para sa kanyang Papa na itinuturing niyang anghel, ayon sa panayam sa kanya ni Cata Tibayan para sa 24 Oras.

"Pa, happy birthday!

"Sinusubukan ko po magpakabait lagi at tinutuloy ko po 'yung laro ko rito gaya ng sabi mo. Mahal na mahal kita, Papa! Araw-araw kitang nami-miss," mensahe ni Jo sa kanyang ama, kalakip ang kanilang larawan.

Isang post na ibinahagi ni Jo Berry (@thejoberry)

Ang tinutukoy ni Jo na laro ay ang muli niyang pagsabak sa pag-arte matapos ang dalawang primetime series niya na Onanay at The Gift.

Ayon kay Jo, ang kanyang tatay ang nag-engganyo sa kanyang ipagpatuloy ang kanyang acting career bago ito bawian ng buhay.

Muli siyang bibida sa upcoming GMA drama na Little Princess na nakatakdang ipalabas sa susunod na taon.

Gagampanan ni Jo ang title role na Princess, isang palabang gamer na laki sa hirap.

Madidiskubre niyang isa siyang tagapagmana ng isang malaking kumpanya kaya naman kailangang mag-transform ni Jo bilang CEO sa kanyang bagong TV project.

Tingnan ang kanyang cute CEO outfits sa gallery na ito: