Celebrity Life

Baby Zia, tinutubuan na ng ngipin ayon kay Marian Rivera

By MICHELLE CALIGAN

Nag-sorry ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera nang dumating siya ng 20 minutes late sa story conference ng kanyang pagbibidahang primetime series na The Good Teacher.

WATCH: Marian Rivera, muling bibida sa Primetime sa 'The Good Teacher' 

"Hindi ako sanay na nale-late. 'Yung anak ko kasi mainit, matamlay daw, so tumakbo ako sa kanya. Tinutubuan lang naman pala ng ngipin, ganun pala," kuwento ni Marian.

Dagdag pa niya, "Tinutubuan ng ngipin, apat! Eh siyempre, first time mom so OA mag-react. Okay naman siya, nung nakita naman niya ako talagang sumigla naman."

Kapansin-pansin din ang pagbalik ng dating figure ng aktres noong dalaga pa siya. Aniya, isa lang ang sikreto niya. "Breastfeed hanggang ngayon. 'Yung anak ko is one year and five months and still, nagbe-breastfeed siya sa akin."

READ: Marian Rivera, sinagot ang isang netizen na tutol sa breastfeeding in public 

MORE ON MARIAN RIVERA:

WATCH: Sino-sino ang mga naglalakihang bituin na makakasama ni Marian Rivera sa bago niyang primetime series?

MUST-READ: Marian Rivera's heart-warming message to Flora Vida patronizers