Celebrity Life

Nadine Samonte is pregnant with Baby #2

Buntis sa kanyang pangalawang anak ang StarStruck Avenger na si Nadine Samonte.
Ibinahagi niya ito sa isang video.

Sa Instagram post ni Nadine kahapon, September 29, nag-share siya ng video na kanyang kinuha noong ipaalam niya sa kanyang asawang si Richard Cua na masusundan na ang panganay nilang anak na si Heather Sloane.

Sulat niya: "So this is really unexpected but we are praying to have baby number 2 na but not really as in now na sobrang bait talaga ni Lord sa amin sobrang salamat po kasi sa case ko na hirap na hirap ako mabuntis but now super biglaan."

Ayon kay Nadine, tatlong araw na ang nakalipas since nalaman niyang buntis siya at ayaw pa sana niya itong ipaalam sa asawa ngunit hindi siya mapakali kung kaya't sinabi na rin niya.

Humihingi rin ng dasal si Nadine para sa kanyang maayos na buntis journey.

Kaugnay nito, nauna nang nag-post ang asawa ni Nadine tungkol sa magandang balita.