
Patok sa mga netizen ang Instagram post ng Bubble Gang star na si Paolo Contis patungkol sa first baby nila ng kaniyang girlfriend na si LJ Reyes.
LOOK: LJ Reyes and Paolo Contis share first photos of Baby Summer
Sa naturang post ni Pao, lumabas ang pagiging komedyante nito nang ikinuwento niya ang kaniyang realization sa pag-aalaga niya sa kaniyang prinsesa na si Baby Summer. May mahigit sa 14,000 likes na ang IG post ng Kapuso actor.
Saad niya, "Sabi nila nakakawala ng pagod ang may baby sa bahay... At talaga namang napatunayan ko yun today! Yung sobrang pagod ka buong araw kasi nag gym ka ng umaga, tapos whole day kang nag ddrive sa pesteng traffic!!! Not to mention yung puyat mo the night before!
“Tapos pag uwi mo, hihiga ka sandali at biglang ipapatong si baby sayo while sleeping tapos biglang yayakap siya sayo!!! Haaaaaayyy ️then you look at her and you just realize........... Nyeta pagod pa din ako!!! Buti ka pa tulog lang!!! ”
Heto naman ang ilan sa mga reaksyon ng netizens sa kulit post ng Bubble Gang comedian.
READ: Kristoffer Martin on working with Paolo Contis in 'Magpakailanman': "Iba ka dito!"