Celebrity Life

WATCH: Tips para matanggal ang taba mula sa mga sexy celebs

By AEDRIANNE ACAR

Ready na ba kayo mga Kapuso for this summer season?

Kung problema n'yo pa rin ang extra pounds, silipin ang mga Instagram accounts ng mga sexy celebrities tulad nina Solenn Heussaff at Lovi Poe.

Makikita kasi sa mga posts ng magkaibigan ang ilan sa mga intense workouts nila para ma-achieve ang summer bod.


Sa report naman ni Nelson Canlas sa 24 Oras, nagbahagi naman sina Bianca Umali at Janine Gutierrez ng ilang tips para mabawasan ang inyong timbang mga bes.

Ayon kay Bianca Umali, importante ang disiplina para makamit ang slender figure. Dapat daw umiwas sa mga pagkain tulad ng junk food at sweets.

“Healthy eating as in clean food, no junk food, no sweets. Kasi kung gusto n’yo po talaga ng magandang katawan it’s the dedication and also ‘yung discipline. Discipline po talaga kasi hindi n'yo po ma-achieve kung wala kayong discipline.”

Para naman sa Legally Blind lead actress na si Janine Gutierrez, hindi lamang ganda ng katawan ang kailangan, kundi pati na rin ang self-confidence sa sarili.  

Saad ni Janine, “Sa tingin ko ano lang confidence lang, kasi wala naman ‘yan sa kung payat ka or kung may abs ka, kung may muscles ka. Sa tingin ko talagang kung masaya ka, magpapakita ‘yun sa labas. 'Tsaka, maganda din ‘yung makikita ng iba tao sa iyo.”


Video courtesy of GMA News


MORE ON SEXY CELEBS:

LOOK: Bikini photos of celebs that generated the most number of likes on Instagram!

LOOK: Jaw-dropping bikini photos of Ina Raymundo kick off summer

LOOK: Traffic Diva Aicelle Santos sizzling hot in a pink two-piece bikini!