Celebrity Life

WATCH: David Licauco, nakakaranas daw ng sleep paralysis

By Marah Ruiz
Published March 4, 2019 3:49 PM PHT
Updated March 14, 2019 7:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rodrigo Duterte’s fitness to stand ICC trial to be determined by January – Conti
First Airbus A350-1000 in Southeast Asia arrives in the Philippines
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City

Article Inside Page


Showbiz News



David Licauco on having sleep paralysis on the set: "'Yung feeling ko parang pine-press down ako. Parang hindi ako makahinga." Read more:

Tunay nga bang kilala ni Kapuso actress Kylie Padilla ang kanyang mga TODA One I Love leading men na sina Ruru Madrid at David Licauco?

David Licauco
David Licauco

Ito ang hamon sa kanya ng programang Tonight With Arnold Clavio. Kailangan niyang hulaan kung tungkol kay Ruru o kay David ang trivia na babasahin ng host na si Arnold Clavio.

Napag-alaman sa game na ito na hindi pala mahilig matulog sa set si David dahil minsan itong nakaka experience ng sleep paralysis.

Ang sleep paralysis ay ang pakiramdam na hindi makagalaw ang isang tao sa kanyang paggising o bago makatulog.

"'Yung feeling ko parang pine-press down ako. Parang hindi ako makahinga," kuwento niya.

Nagpatingin na rin daw siya sa doktor dahil dito at nakahanap na rin ng paraan para maiwasan ito.

"Nae-aide ko naman siya. Kung nage-earphones ako, hindi ako binabangungot," aniya.

WATCH: Ruru Madrid at David Licauco, naranasan na ba na magkaroon ng ka-love triangle?

WATCH: Ruru Madrid, David Licauco challenge online sensation Dante Gulapa in dance showdown

Samantala, isang surprising talent naman ang ipinamalas ni Ruru. Kaya pala niyang gumawa ng impressions ng mga beteranong aktor tulad nina John Arcilla, Janno Gibbs at Leo Martinez.

Panoorin ang feature ng programang Tonight With Arnold Clavio kina Ruru, Kylie at David: