
Matindi ang labanan ng karakter nina Ruru Madrid at David Licauco sa TODA One I Love.
Parehong may gusto sina Emong, na ginagampanan ni Ruru, at Kobe, ginagampanan naman ni David, sa karakter ni Kylie Padilla na si Gelay.
Pero sa totoong buhay kaya, naranasan na ba nina Ruru at David na magkaroon ng ka-love triangle?
“Yung tipong nanliligaw tapos may kasabay, never pa nangyari 'yon,” sagot ni Ruru.
“Hindi puwede, dapat bakod na bakod 'yun at ibang usapan 'yon,” dagdag niya.
Sagot naman ni David ay na-experience na niya ang ganung bagay.
“Siguro 'yung parang umaaligid, for sure meron 'yun parang habang exclusively dating kami, may mga nagme-message, may mga magcha-chat sa kanya.”
WATCH: Pilot episode ng 'TODA One I Love,' trending!
Nagbigay din naman sila ng payo sa kanilang mga karakter kung ano ang puwede nilang gawin para magustuhan ni Gelay.
“Iparamdam niya hanggat maaga pa kay Gelay na mahal na mahal niya si Gelay,” ani Ruru.
Para naman kay David, ituloy lang ni Kobe ang kanyang pagiging maginoo.
Panuorin ang buong report ni Lhar Santiago sa 24 Oras sa video na ito:
<iframe src='https://www.gmanetwork.com/news/video/24oras/487903/karakter-nina-ruru-madrid-at-david-licauco-sa-toda-one-i-love-matindi-ang-labanan/evideo/' width='100%' height='380' frameborder='0'></iframe>