Celebrity Life

WATCH: Kilalanin ang fur babies ni Jennylyn Mercado

By Cara Emmeline Garcia

Hindi lang hot momma si Love You Two actress Jennylyn Mercado kundi isa rin siyang certified fur momma sa apat niyang alagang pusa.

Jennylyn Mercado

Sa kaniyang Instagram, paminsan-minsang itinatampok ng Kapuso Ultimate Star ang kaniyang mga fur babies upang makilala ng lahat.


Sila ay sina, Sage the Siberian, Clay the Scottish Fold, Amy the Scottish Straight, at Chael the Maine Coon.


Pahayag ni Jen, 'di lang photogenic ang kaniyang mga cats kundi mahilig rin silang umarte sa harap ng camera. Minsan nga ay kinukuha pa raw si Clay bilang isang extra sa pelikula.

Dahil dito, laging naglalaan ng oras si Jen para maalagaan ng wasto ang kaniyang mga pusa.

“Tuwing umuuwi ako, sumasalubong sila, tatabi sa iyo, hihiga sa tabi mo,” aniya.

“'Di mo naman sila kinuha para 'di mo alagaan, 'di ba?

“So make sure na mayroon kang oras para sa kanila and nafi-feed niyo sila ng tama. Bawal sa kanila ang ma-stress at dapat nagu-groom sila.”

Kilalanin ang apat na fur babies ni Jennylyn sa ulat ni Cata Tibayan:


WATCH: Furbaby-friendly pasyalan binisita ni Clint Bondad

Bettinna Carlos and Gummy go on a pet-friendly date