Celebrity Life

Bettinna Carlos, first time nag-grocery after 40 days dahil sa ECQ

By Cara Emmeline Garcia

Hindi tulad ng karamihan na nag-aalala na baka mahawa habang nasa labas, excited naman si Bettinna Carlos na makalabas na sa kanyang tahanan para mag-grocery shopping.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ng aktres ang isang litrato na nagpapakita ng nilalaman ng kanyang refrigerator.

Mapapansin na halos wala nang natitira dito kaya naman tanong niya sa social media site, “Pwede na po ba ako mag-grocery???”

Aniya, puro mga tira-tirang ulam at canned goods na lamang ang kakainin nilang mag-ina na aabot hanggang kinabukasan.

“Whatever is left will last us only until tomorrow. Leftover ulam, a few canned goods, and pieces of frozen nuggets left ('yung mga nakikita niyo sa freezer ay cheese, frozen bread, and cookies. Wala ng ulam o karne d'yan!).”

Kaya naman kilig na kilig si Bettinna nang ibahagi na makakalabas na siya pagkatapos ng halos 40 araw na nasa loob ng kanilang tahanan.

“I am finally going out of our compound and off to the grocery for the first time in 40 days to be exact.

“Thank you Lord for the opportunities to exercise creativity, wisdom, and self-control in this very challenging time.

“Nawa'y maging mas masinop, mas wais, at humusay pa po ako in running my household and stretching the budget. Aabutin pa siguro ako ng curfew sa pila at sa bagal ko since I plan to visit two groceries.

“So excited to go through each and every aisle. Ay! I'm in love!”

Sa follow-up post, ipinakita ni Bettinna ang abot-tengang ngiti habang nag-grocery sa kanilang local supermarket.

Kuwento niya, “Sino ang nag-blush on, nag-lipstick, tapos nag-mask? Hay Inday!

“Mabuhay! Tagumpay ang paglalakbay! Memories and groceries to last us hopefully another 40, maybe 50 days even? Woohoo thank you Lord!”

Ilang moms at fans ni Bettinna ang naka-relate sa post niya kaya naman isa-isa silang nagkuwento ng kanilang “simple joys of being a mom.”

Netizens' comments on Bettinna Carlos's post. / Source @abettinnacarlos (IG)

Bettinna Carlos is proud that her daughter Gummy grew up to be a fine young lady

Bettinna Carlos shares what she did when she forgot Gummy's spiritual birthday