Sinu-sino ang engaged celebrities na piniling huwag madaliin ang kanilang pagpapakasal?
Limang taon na ang relasyon nina Richard Gutierrez and Sarah Lahbati nang ma-engage sila sa Switzerland. Inanunsyo ng celebrity couple ang kanilang engagement noong July 2017. Base sa kanilang Instagram posts ay March 2017 lumipad ang celebrity couple kasama ang kanilang mga pamilya sa Switzerland, kung saan naganap ang engagement.
Noong 30th birthday ni Rodjun Cruz naganap ang proposal sa kanyang longtime girlfriend na si Dianne Medina. Halos sampung taon na ang kanilang relasyon nang ibigay ni Dianne ang kanyang matamis na "oo" sa tanong ni Rodjun noong October 2017. Nagpakasal ang dalawa noong December 21, 2019.
Nang inilahad ni Toni Aquino na siya ay engaged na kay Ricardo Centurion, agad niyang nilinaw na sila ay hindi pa muna magpapakasal. Aniya, "This is not going to happen right away. Haven't you guys heard of a long engagement? Yeah that's what we are doing and we are damn sure about it; we both made this mature decision. Clichè to say it but once you know you just know - We both want to spend the rest of our lives together but we both have to finish what we are doing now (graduate college for me and he has to finish his army contract.)"
May 2017 sa ancient ruins of Machu Picchu nag-propose si Bodie Pulido sa model and beauty queen na si Valerie Weigmann.
Ngayong 2020, inamin ng magkasintahang sina Megan Young at Mikael Daez na noong 2014 pa sila engaged. Nagpakasal lamang sila noong January 10, 2020. Ayon kina Megan at Mikael, itinago nila ang kanilang engagement dahil sa kani-kanilang trabaho noon.